*Monday*
Kasalukuyan kaming nag e-edit ng papers nung biglang sabi ng secretary of school paper editors na may meeting daw kami. Kaagad naman kaming pumunta doon sa auditorium, excuse naman daw kami sabi ni ate Mary kaya wag daw kami mag alala. Nag meeting lang ng walang kwentang talks at sa wakas 4:30 pm na at uuwi na ako.
"Hey, bakit hindi ka pumasok kanina?"- Sabi ni Liam na bigla nalang nasa likod ko habang naglalakad ako sa lobby.
"Uhm, may meeting kanina eh"-Sabi ko nalang. Bigla namang nag ring yung cellphone niya. Kainis naman eh, ngayon na nga lang kami makakapag usap may umeksena pa.
Umalis naman siya saglit.
"Lally, una na ako ha, may emergency kasi sa bahay eh"- Sabi niya, ngumiti nalang ako sabay alis na sya.
Nag text naman si Jen at Kyla, may dadaanan pa daw sila sa Registrars Office kaya mauna na daw ako.
Palabas naman na ako sa building namin nung makita ko si Xandre, at syempre, maraming nanamang babae dun sa paligid niya. Lalagpasan ko na sana siya eh, pero...
"Mag dadalawang buwan palang pasok natin at umaabsent kana?"-Sabi nya sakin.
"Hoy, may meeting kami kanina no!"-Sabi ko naman. Nagtataka nanaman yung mga nasa paligid niya.
"Wala akong pake, tara na nga!"-Sabi niya sakin. O yes nga po pala, diba sabay nakami lagi umuuwi.
Nasa labas na kami ng gate nung nakita kong papalapt samin si Ian, kinabahan naman ako, naalala ko yung sinabi niya nung friday. Hindi ko akalaing tototohanin niya yon.
Hinarang naman siya ni Xandre. Tiningnan naman ako ni Ian.
"Huy Xandre teka, hindi naman siya andito para makipag away eh"-Sabi ko.
"Bakit siya nandito?"-Sabi naman niya na nakakunot yung noo.
"Susunduin ko na sya"-Sabi naman ni Ian.
"Nagbibiro kaba?"-Sabi naman ni Xandre na natatawa..
"Hindi"-Sabi ni Ian. Nilagpasan niya si Xandre at hinila nako.
"O wait wait"- Sabi naman ni Xandre. Tinaas naman niya yung mga kilay niya.
"Its okay Xandre, hes cool"-Sabi ko naman. Hawak parin ni Ian ung kamay ko.
"Ano to?"-Sabi ni Xandre, na nalilito.
"I'll explain tomorrow"-Sabi ko.
"You know you cant do that"-Sabi naman ni Ian.
"Explain what?"-Sabi naman ni Xandre na mukhang nalilito na. Nagsisidatingan na yung mga babae ni Xandre sa likod niya.
"Xandre, kaya ko na sarili ko dito ha?"- Sabi ko sakanya. Bigla naman na akong hinila ni Ian.
Iniwan namin si Xandre with his confused face.
"You cant tell anybody"-Sabi niya.
"Why is that?"-Sabi ko naman.
"I texted Mico last night, sabi niya baka nakita mo daw yung palitan nila ng drugs"-Sabi niya.
"O my God, wala akong nakitang ganon"-Sabi ko naman.
"You think paniniwalaan ka nila? Agahan mo ng umuuwi simula ngayon, 6:30 pm ang labasan nila Mico at Kevin baka makita ka nila"-Sabi naman niya.
Hindi nalang ako umimik non, hinatid niya ako hanggang sa apartment ko. Nagpasalamat naman ako at hindi ko na siya pinapasok. Iniisip ko si Xandre baka nagalit yon hindi nako ipagdrawing.
Ganon din nung sumunod na mga araw, sinusundo na ako ni Ian sa gate ng school, hindi naman ako pinapansin ni Xandre 3 days na simula nung monday. Napansin naman ng mga kaibigan ko kaya tinanong nila ko ng tinanong. Gumawa nalang ako ng alibi para may madahilan nalang.
"I think, hes jelous!"-Sabi ni Kyla
"Hell no!"- nasabi ko nalang.
"Hoy, bago niyo pag usapan yung mga problemang pagibig diyan, mag prepare muna kayo for exams next week!"-Sigaw ni Janella na mukhang naiirita.
"Bitter neto, hindi naman niya alam kung ano pinag uusapan natin"-Jen.
"Oo nga pala Lally, kinakausap kanaba niya?"-Kyla.
"Hindi pa nga eh"- Sabi ko sabay buntong hininga. Actually, hindi talaga niya ko kinakausap or whatever, basta pagtapos ng isang subject namin aalis na siya.
"Speaking of the angel..."-Sabi ni Jen.
Si Xandre, parating. Just like these past days, hindi niya ko pinapansin, kinakausap, or even tinitignan man lang. Is he that mad? I just want to talk to him, but, not now.
Binigyan lang kami ng reviewer ng mga teachers namin regarding Preliminary Exams. Pagtapos non is umuwi na ako, and as usual, andun parin si Ian, hes being cool to me. Mabait kasi siya dati, siguro pati ngayon. Pero bago pa ako makapaglakad kasama siya. Biglang may humila sa kamay ko ng malakas. Siyempre nasaktan ako.
"Ay putcha!"-Nasambit ko nalang. Pagkaharap ko, si Xandre, walang emosyon.
"You're going home...with me"-Sabi niya.
"Pwede ba XV, wala kang alam sa nangyayari kaya umalis kanalang!"-Sabi ni Ian.
Hindi naman siya pinansin ni Xandre, nakatingin parin siya sakin, bakas sa mukha niya yung inis at irita. Idagdag mong andito nanaman sa malapit samin yung mga stalkers niya. Mga die hard fans. Haaaaay.
"Xandre..."-Sabi ko nalang. Hinila na ako ni Xandre saka namin iniwan si Ian don na mukhang nainis.
Sumakay kami ng Taxi at papunta na kami ngayon sa apartment ko, or so i guess? Hindi pala, kasi nilagpasan namin yung apartment ko. Are we heading to his house? Yes. Eto, nag stop ang taxi. Ni hindi man lang kami nag usap sa Taxi. Andito kami ngayon sa isang mansion.
"Bumaba kana diyan"-Sabi niya. Bumaba naman ako.
Pinapasok niya ako at parang walang tao sa bahay, wala ba silang maid? Pinaupo niya ako dun sa sala nilang kasing laki na nung isang bahay namin sa pampanga.
Umupo siya sa harapan ko.
"Ano bang problema?"-Pagbukas ko ng usapan.
"Ako yata dapat nagtatanong niyan eh"-Sabi niya.
Napatingin naman ako sa orasan, 6:24 na, naalala ko yung sinabi ni Ian na, 6:30 labasan nina Mico at Kevin.
"I need to go Xandre"-Sabi ko sakanya.
"Oi taba, dinala kita dito sa bahay namin para safe ka, kaya wag kang mag alala na makikita ka nila!"- Sabi ni Xandre.
Teka, bat niya alam na hinahanap nila ko?! Kelan pa niya alam?
"Anong? Pano mo nalaman?"-Sabi ko.
"Nung monday hapon, diba nauna ka sakin? Ginabi non ako at nakita ko kayo ni Ian na nag uusap, then after non, umalis kana, at siya may tinawagan sa cellphone niya"-Sabi niya.
"O tapos? Teka, bakit hindi kita nakita?"-Sabi ko naman.
"Pwedeng patapusin mo muna ko?"-Sabi niya.
"Oh, sorry. Oh sige, ano na nangyari non"-Sabi ko.
"I think narinig kong tinawagan niya yung isang Mico, hindi ako sure, pero ang sabi niya dun sa Mico na yon, I know her, ako na bahala sakanya"-Sabi ni Xandre.
"Hoy, sure kaba? Sabi kasi niya nag quit na daw siya sa grupong yun eh"-Sabi ko.
"You think mag kaka contact pa siya sa isang member ng isang grupo? I mean, sa pag kakaalam ko, kung naging part ka ng isang fraternity, oras na magquit ka, puputulin na lahat ng koneksyon nila sayo"-Paliwanag niya.
"So? Whats he up to?"-Sabi ko.
"Hindi ko alam. Sinabi ko naman sayo na wag kang magtitiwala sa taong nanloko na sayo eh"-Sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
A School Hearthrob is in love with a pig. [ DAILY UPDATED ]
FanficImagine that you're going to enter the most popular school in your country and you'll gonna meet its grumpy prince?