Monday Morning. Exams week. Sana kahit hindi ako nag review,makuha ko parin yung exam namin. At eto na nga, nagbibigay na nga papers si Sir Castro. Statistics. Solving ng konti. Good luck engineers! Eto at hawak ko na yung paper ko. Tahimik naman si Xandre. Gusto ko siya kausapin.
"Pssst. Nag review ka?"-Sabi ko na medyo tahimik.
"Oo naman."-Sabi niya sabay ngiti. Nakaka inspire yung ngiti niya.
Tumingin naman sa direksyon ko si Liam. Nag sign siya ng goodluck. Saka ngumiti. Smiles from the 2 of them? Nakakainsipre talaga. Masagutan na nga.
Sagot...sagot...sagot...
Tapos na! Nabagbag utak ko sa 50 items na yon ha! Pero parang nakuha ko naman kahit papaano. Nagpass na ko ng papel ko at konti nalang pala yung mga nag e-exam. Sabi din ni Sir Castro, wag daw kaming aalis agad dahil i che-check daw namin yung mga papers namin. Naunang natapos mag test sa akin si Xandre at Liam. Umupo naman ako sa tabi ni Xandre, at hinintay naming matapos yung mga kaklase ko.
Nag-check na kami ng papers at naka perfect score ako. Madali lang naman yung test na yon.
Iiilan lang kaming naka perfect score, hindi ko lahat narinig pero kasama sa mga yon is, si Xandre, si Liam, at sina Kyla at Jen. Umalis na agad si Sir Castro.
Next exam will be Alegbra. Math again. Wala eh, picking Electronics Engineering was not a wise choice, but what can I do? Andito na ako, nasimulan ko na, kaya paninindigan ko na. 90 items of solving. I wish I can survive these number sa harapan ko. Ang hirap kasi eh. Tinititigan ko muna yung problems, saka ako nag mamasid sa paligid ko.
"Oi tabachoy, ano sagot dito sa number 5?"-Sabi ni Xandre sakin na mukhang nalilito na rin.
"Ha? Teka ha? I sosolve ko."-Sabi ko. Nilaktawan ko na muna yung 1-4, sinolve ko muna yung tinatanong ni Papa Xandre >:)
"Sige, pakibilisan mo na"-Sabi niya. Aba, ang kapal talaga ng mukha neto.
Sinolve ko naman at talaga palang mahirap yun, after 5 mins. Parang tama naman kaya sinabi ko sakanya yung sagot ko. Nagpasalamat naman siya. Tinapos ko agad ang test.
--
Exams week passed. Nasurvive ko ang Preliminary Exams ko. Im proud of myself.
Today is Friday, and half day lang kami kasi nga, tapos na yung exams namin noon pang monday. So, pupunta kami ngayon sa bahay nina Liam, fiesta daw kasi bukas sa lugar nila dito sa Manila, the whole class is invited. At syempre, pupunta ang Janella and Company dahil nga diba, yung isang kagrupo nila ay may crush kay Liam. Good thing about their group is wala silang iwanan.
Since friday at walang pasok kinabukasan, mag o-overnight kami kina Liam ngayon, half of the classroom will do. Kasyang kasya naman kami for sure. Kasama sa overnight sina Princess, at yung mga babaeng kasama niya dati. Why? Kasi, present din si Mark, pinsan ni Liam, na tunay na boyfriend ni Princess Espiritu. Si Xandre? Hindi ko alam, hindi naman siya kumibo eh.
Uuwi muna ko to pack some things. Nasa harap na ko ng gate, at heto si Xandre. Nakangiti. Kinakausap yung mga babaeng admirers niya.
"Hey Lally, lika dito"-Sabi ni Xandre.
"What?"-Sabi ko naman. Pinapapunta nya ako dun sa lugar niya.
"I would like you to meet my friends"-Sabi niya. Nakangiti.
"Hi Lallya"-Sabi nung 4 girls na magaganda pero mukhang plastik. Fake smile kasi eh.
Nagsmile naman ako. Pero hindi ako nag response.
"Hey, alis nakami ha?"-Sabi ni Xandre.
"Bat lagi kayong sabay?"-Tanong nung isang babaeng takang taka na parang naiinis.
BINABASA MO ANG
A School Hearthrob is in love with a pig. [ DAILY UPDATED ]
FanfictionImagine that you're going to enter the most popular school in your country and you'll gonna meet its grumpy prince?