Chapter 24

54 2 1
                                    

Sorry for late updates. Midterms na kasi eh. Btw, dadalasan ko na po ngayon ang pag uupdate.

--

MONDAY Morning.

Nagkita kita sina Lally sa corridor ng building nila at nagkwentuhan habang wala pa si Mr. Castro. Nagtaka naman sila dahil parang walang tao ngayon sa building nila samantalang 20 minutes nalang ay magka-klase na. So they've decided to go for a walk.

Nung malapit na sila sa lobby sa facade, nakita nila yung nagkukumpulang tao doon sa harap ng malaking bulletin board. Hindi na mahulugan ng karayom sa dami ng tao. Nagtinginan naman silang tatlo kung ano kaya yung pinagkakaguluhan doon. Sakto naman at dadaan si Mary, yung pinsan ni Xandre, kaya tinanong nila ito kung ano bang meron.

"Ate Mary anong meron diyan?"-Tanong ni Jen.

"Oh, results kasi ng tests yan at ranking, na check niyo naba yung sainyo?"-Sabi ni Mary.

"Kailangan po ba talagang icheck?"-Tanong ni Lally na nagaalangan dahil andaming tao dun kung makikipagsiksikan sila.

"Yeah, since first year kayo, dapat niyong malaman yung results"-Dagdag pa ni Mary.

Umalis na si Mary at sila naman ay nandun parin. Bigla namang dumating si Xandre na bagong gupit. Kinabahan naman si Lally sakanya dahil parang mas gumwapo siya lalo.

"Hi Xandre!"-Bati ng mga admirers niya. Nginitian naman niya yung mga girls na yon. Good thing about this guy is hindi siya snob sabi ni Lally sa kalooblooban niya.

"Hi Xandre!"-Bati ng dalawa kong kasama.

"Hi! So, nakita niyo naba yung mga ranks niyo?"-Sabi niya.

"Nah, we're not interested"-Sabi ni Lally sakanya.

"Hala, grades mo at ranking tapos hindi ka interesado. Ibang klase ka talagang babae ka. Hahahaha"-Sabi ni Xandre sakanya na tumatawa. Wala namang kibo si Lally.

"Tara wala ng masyadong tao oh"-Dagdag pa ni Xandre.

Binaling naman ni Lally yung tingin niya sa mga tao sa bulletin board. Walang pagbabago, parangang dumami pa lalo yung mga students na nandoon eh, yung iba ang saya saya, yung iba naman parang pinagsukluban ng langit at lupa yung mga itsura.

"Tara!"-Sabi nina Jen at Kyla sakaniya at kay Xandre. Ibig nilang sabihin ay titignan nila yung ranks nila.

"Seryoso? Andaming tao jan oh, saka nakakahiyang makita yung names diyan no."-Sabi ni Lally.

"Taga bundok kaba? Anong akala mo sa school ni Lola? Cheap? Siyempre concealed parin yung identity no, student number lang nakalagay. Engot!"-Sabi ni Xandre sakanya.

"Whatever"-Nasabi nalang ni Lally. So, ayun na nga, sumiksik na sila. At ang daming papel doon sa bulletin board, pero since freshmen sila, hindi na masyadong mahirap hanapin yung kanila.

5 sections pala sila sa course nila na Electronics Engineering pero tig 30 per room lang. At lahat ng yon ay pinagsama at ni rank depende sa nakuhang scores.

"Rank 16 ako!"-Sabi ni Kyla. Hindi naman tumitingin sa papers si Lally dahil hindi naman talaga siya interesado. Tinitignan niya lang yung mga taong nasa paligid niya. M

"Rank 11 ako"-Sabi naman ni Jen sakanila. Si Xandre yung sumunod na tumingin. Confident siya dahil alam niya sa sarili niya na mataas yung nakuha niya sa mga tests.

"Whoa!"-Sabi ni Xandre na mukhang nabigla rin.

"Why?"-Sabi ni Jen at Kyla. Napatingin din sakanya si Lally.

"Rank 2 ako! :)"-Sabi niya with big smile. Napangiti rin naman si Lally at na curious kung anong rank siya.

Habang tuwang tuwa yung 3 sa nakita nilang ranking nila. Parang bigla namang na curious si Lally kung sino ba ang rank 1 sa year nila. Kaya tiningnan niya mula sa top 30, sure naman siyang wala siya sa ibaba.

A School Hearthrob is in love with a pig. [ DAILY UPDATED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon