Chapter 13: Floral feast
Aizaia Yzabelle's POV
Syempre it's a prank!! Hindi ko nakita si Zyair. Practice lang sakaling magkita ulit kami.
Ano ba dapat ang kong sabihin?
"Nagkita ulit tayo, Zyair"
"It's been a while"
"Miss me?"
"Grabe big time palasyo mo bro!"
Hay jusko bakit ko ba yan masyadong iniisip? Pati dapat pala hindi niya ko makilala bilang si Aizaia... kundi bilang Shaniel.
Aish bahala na basta magpapaka secret agent ako at tataguan ko siya. Gagalingan ko ang pag acting ko!! Go self woooh #selfsupport #kakayanin
Agad na ko bumaba ng hagdanan at sinalubong ng maraming tao.
Syempre, sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Shaniel, princess of Chinoa?
Agad akong nagbigay ng matamis na ngiti sa mga tao, buti nalang naaalala ko pa mga tips ni Monica sakin, pero di parin yun sapat para kayanin ko ang pagpapanggap ko.
"Wow! Shaniel iha, it's been a while!! Huling kita ko sa'yo nung twelve years old ka pa. Ang laki ng pinagbago mo at napakaganda mo!" Puri sakin ng isang babae na may suot na pula at magarbong damit, punong puno siya ng alahas.
Onti nalang mapagkakamalam ko na siyang pawn shop dealer o di kaya manager ng Pandora na jewelry shop.
Napangiti naman ako ng wala sa oras, hihi syempre tinatanong pa ba yan? Ibang level ang beauty ko kase namana ko ito kina Aprodite, Athena, Artemis, Demeter----
"Aizaia! Nandito ka lang pala san ka ba nagsisi-sulpot?!" Sabi ni Monica at napatalon nalang ako sa gulat.
Jusmiomar grabe naman maka gulat 'to! Parang kabute!
"Aba sorry na po ma'am, masama ba mag enjoy sa party?" Ani ko kaso bigla niya akong hinila.
"Aizaia, di ko alam kung paano ang celebrasyon ng mga pagdiriwang niyo sa mundo mo pero alalhanin mo na magkaiba ang mundo na ito sa mundong pinang galingan mo. Ang mga maharlikang pamilya ay dapat nakaupo lang at hindi pagala-gala" Mahaba niyang sabi at napa 'wow' facial expression nalang ako.
Serioso ba yan? So bawal ako maki party party tugs tugs tugs?! Waaaah nakakainis naman eh.
So bale bakit pa ko sumama sa floral feast kung uupo lang ako at papanoorin ang mga guest na mag enjoy?!
Wala akong choice, sinunod ko nalang si Monica at umupo katabi kay kuya Elliot, este prince Elliot.
Kausapin ko ba siya? Maya maya close pala sila ni Shaniel tas magtaka siya kung bakit hindi ko siya kinakausap.
Pero ang awkward naman kase eh! Kaming dalawa lang ang nasa royal table kase sina mama ay nakiki pag chikahan pa sa mga amigas niya.
Hmmm chikadora rin pala mama ni Shaniel ah!!
Maya maya lang ay biglang tumunog ang trumpets. Teka anong meron, anong meron?! Paki inform naman po ako.
"Greetings!! It is an honor to host the annual 14th Flower festival from the Kingdom of Bethony, we would also like to thank the tri-kingdoms, Chinoa, Dernion, and Alvania for accepting our invitation! Enjoy the party!" Sabi niya at tumigil na ang trumpets.
Gosh yun lang pala! Akala ko kung anong special announcement! Pero teka, tama ba ang narinig ko? Nandito rin ang ibang kaharian...
Ibig sabihin non makikita ko rin ang royal family!! Bigla tuloy ako nakaramdam ng excitement at kaba.

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasía[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...