4

431 204 135
                                        

Chapter 4: It was him

Aizaia Yzabelle's POV

"AYIEEEE SI ZAIA DI PARIN MAKA MOVE MAKA MOVE ON DUN SA GWAPONG NAKA PRINCE OUTFIT NA NAKITA SA PARK LAST WEEK AYIEEEEE"

Napairap nalang ako. Ang daming dada netong si Cailean! Sarap niyang lagyan ng mansanas sa bibig para matahimik!!

Pero di ko siya gagawing lechon ah. Ipapakain ko lang naman siya sa mga tiger sa manila zoo, joke.

Pero totoo yung sinabi niya, di parin ako makamove on dun sa lalaking nakilala ko last week sa park na mukhang weirdo.

Ayokong umasa pero...

Siya kaya yung batang prinsipe na nakilala ko nung bata pa ko?

Siya kaya yung makulit na pinipilit na may kaharian daw siya at siya daw ang tagapag mana nito? Siya kaya yun?

Ewan! Di ko rin alam! Di naman ako manghuhula eh.

Simula nang nagkita kami doon sa akasya tree ay lagi ko siyang inaabangan at nagbabakasakaling...

bumalik siya

Pero hindi, hindi na siya bumalik.

Pero di naman big deal sakin yun. Di naman kami close or what. Di ko nga natanong kung magkaibigan na ba kami eh!! Biglang nagsalita si Tanleigh.

"Sayang hindi ko nahingi number niya. Gwapo pa naman siya... may jowa na kaya yun?" Napabuntong hininga nalang ako.

Kailangan ba talagang unahin niya ang kalandian niya? Mygod lahat ata ng lalaking makita niya papatulan niya eh!

"Hoy wag mo ngang pagtansyahan yung 'future boyfriend' ni Aizaia!" Kontra naman ni Maddison at natawa nalang ako.

"Wow Maddison future boyfriend talaga? Yan ba yung nakalagay sa bolang krystal mo?" Biro ko pa at inirapan niya ako.

"May point si Maddy!" Pagtanggol ni Cailean kay Maddison. Ay sige kampihan pa.

"I mean tingnan mo kilala ka niya Aizaia! Malay mo galing siya sa ibang planeta tas kukunin ka niya para gawing bihag si---" di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sumama si Tanleigh sa usapan.

"Boba ka ba Cailean? Ginawa mo naman siyang Alien! Wala namang Alien na ganon ka-gwapo eh! Isip isip rin pag may time." sabi niya at napa-iling nalang kaming tatlo kay Tanleigh.

"Ang harot harot mo talaga Tanleigh Venice! Para kang kiti-kiti!" Pagbash ni Cailean at napataas ang kilay ni Tanleigh.

"Anong connect non, Cailean?" Tanong ni Tanleigh at tiningnan nang masinsinan si Cailean. Napaisip naman siya bigla at

"Wala! Ang harot harot mo kase Tanleigh! Pinaglihi ka ata sa kiti-kiti!" Pagbash niya kay Tanleigh.

Halatang ang mema ng sagot ni Cailean.

Halatang wala na siyang maisip na pang ganti kay Tanleigh! Hahahhaha

"Atleast MAGANDA AKO" diniinan pa niya yung 'maganda ako' na part. Wow para akong nanonood ng kadenang ginto 2.0

"MAGANDA KA LANG TANLEIGH PERO AKO, MAGANDANG MAGANDA!" Ganti ni Cailean at---

*SLAP*

ANAK NANG!--- SINAMPAL NI CAILEAN SI TANLEIGH?! WHAT THE FUCK? ANONG NANGYAYARI?

"PUNYETA CAILEAN BAKIT KAILANGAN MONG MANAMPAL?! HAYOP KANG BITCH KA!" Galit na galit na sabi ni Tanleigh habang hinahaplos ang namumula mula niyang pisngi.

"Ang daming mura non! Inaano ba kita!" Nangingiyak na sigaw ni Cailean.

Infernes okay pala manampal tong si Cailean! Pwede na siyang mag artista!
GMA, ABS-CBN, at TV5 baka naman magaling mag-acting itong kaibigan ko oh!

Us Against the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon