Chapter 16: The Mysterious Price
Aizaia Yzabelle's POV
Napakalmot nalang ako sa aking mata dahil sa tirik at sinag ng araw.
Hmmm ang init naman! Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napahikab. Wah bat ang sakit ng ulo ko? Parang masusuka ako na ewan!
Teka... bat ako nasa kwarto ngayon? Huling naalala ko nasa light house kami ni Zyair kagabi dahil sa pagcelebrate ng kaarawan ko.
Tas uminom kami ng wine!! Kaya siguro ang sakit ng ulo ko!!
Pero paano ako nakabalik sa kwarto ko? Medjo malayo layo pa naman ang light house sa palasyo. Di kaya nag sleep walking ako?
Aish, gaga ka ba Aizaia?! Yung matino naman!!
Hindi kaya dahil uminom kami ng wine, nalasing ako, tas inuwi ako ni Zyair dito??
Hmmm baka ganon nga. Pero nakakapagtaka lang, bakit naka bath robe ako ngayon?
Nasan ang damit na sinuot ko kagabi? Shet, di kaya....
May nangyari samin ni Zyair?! Waaah pano na virginity ko?!
Pero hindi, di naman masakit yung 'down there' ko eh, hmmm baka si Monica ang nagpalit sakin ng damit kagabi... oo nga baka nga.
Bumangon na ko para maghilamos at magsipilyo. Tiningnan ko rin ang orasan at 9 AM na pala. Buti nalang wala akong pasok ngayon kundi panibagong late nanaman yan.
Nagpalit na rin ako ng damit, medjo naiinitan ako sa tela ng bath robe eh.
Aalis na sana ako ng kwarto kaso may nakita ako isang pastel blue na sticky note na may kasamang isang basong tubig at maliit na capsule na gamot.
Binasa ako naman ito "Shaniel, drink this medicine for your hangover, go down to the royal dinning hall for your breakfast, see you later" basa ko.
Agad ko namang ininom ang gamot. Di ko alam kung anong klaseng gamot ito pero neon green siya at hindi ito kaaya ayang tingnan pero mukha bang may choice ako? Syempre wala!
Lumabas na ko ng kwarto at tuluyan nang bumaba papuntang royal dinning hall.
"Good morning!"
Nagulat ako dahil bigla bigla nalang sumulpot si Zyair sa may pinto. Mygod di ba usong kumatok?! Baka lang naman noh.
Natawa ito, mukhang sinadya niya talagang gulatin ako.
"Good morning, Zyair" Nakangiti kong bati kahit medjo naiinis parin ako na ginulat niya ko.
Medjo inaantok pa ko eh kaya pakiramdam ko tuloy nagising ang diwa ko dahil sa wake-up gulat niya.
"Tara kain na tayo" Aya niya sakin. Teka hinintay niya ba ko para sabay kaming kumain? Anong oras ba siya gumigising? Sana pala inagahan ko gising ko para naman di siya naghintay ng matagal.
Ayaw na ayaw ko pa naman ng mga pa-V.I.P na tao na palaging late! Tas may pagrand entrance entrance pa!
Umupo ako na ko at katapat ko ngayon si Zyair. "Nainom mo na ba ang gamot na binigay ko sa'yo?" Tanong niya at dahan dahan naman akong napatango.
"Good. Kumain ka ng madami para lumakas ka" Ani niya at napatango nalang ulit ako.
Ako lang ba? Parang may something.... bakit parang ang daldal at ang bait niya ngayon? Anyare?
"Hmmm ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong niya. Hala ang dami kong iniisip nakalimutan ko nang kumain. Agad akong umiling.
"Hindi! Ah marami lang akong iniisip" Tapat kong sabi.

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
خيال (فانتازيا)[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...