Chapter 9: Drunk
Aizaia Yzabelle's POV
"Huy! Kayong dalawa, san ba kayo galing ha? Tsk! Bakit bumalik pa kayo akala ko ba magtatanan na kayo ha?" Bungad ni Cailean habang umiinom ng orange juice.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Nagpahangin lang kami!" Agad kong sagot.
Maya maya maawkwardan pa si Zyair, ayoko naman na mailang siya sa mga baliw kong kaibigan.
"Weh nagpahangin your face! Nakakainis naman naiingit ako sainyo huhuhu gusto ko na tuloy magkajowa!" Pagmamaktol ni Cailean at napasimangot.
Tsk nahawa na kay Tanleigh sa paghahanap ng lalaki jusko!
"Hoy Catania Cailean taasan mo muna grades mo bago ka mag jowa jowa dyan" Litanya ni mother Maddison--- este Maddison lang pala hehe
"Porket dean's lister ka slash man hater ms. Dolce Arabelle Maddison Ferrer! Bitter much bitch!" Mahinang sigaw niya. Bahala nga sila!
Welcome to another episode of 'pano ko ba sila naging kaibigan' charot. Kahit mga baliw yang mga yan love na love ko yang mga yan noh.
Napatingin naman ako kay Zyair na umiinom ng.... Vodka?
Aba! Marunong pala uminom tong prince Zyair of Bethony?? Huh kakaiba talaga ang principe na 'to gosh
Hinarap ko siya "Huy pare chong hinay hinay lang tayo sa pag inom ha? Mapano atay mo nyan"
Natatawa kong sabi at nahiya lang siyang napangiti sakin, "Mag liverade ka, liverlover boyz" sabi ko parang si Robin Padillia dun sa commercial hahahahaha.
Pinagtawanan niya lang ako tumngo. Tingnan mo 'to concern na nga ako tas tinanguan lang ako?!
Mygosh nakakastress siya! Bahala nga siya pag siya nagka liver cancer wag niya kong lapit lapitan! Teka wala palang liver cancer hahahaha pauso ko talaga
"Ngayon nalang ulit ako nakainom, ipinagbabawal kase ito samin eh" Sabi niya awww poor Prince Zyair ngayon nalang ulit nakainom. Charot ang sama ko talaga, pero legit di ko kayang di makainom.
Di naman ako lasinngera pero drinking is really part of me. Sige na nga makainom na rin!
Kumuha ako ng Gin at naglagay nang asin sa dila ko at diretsong ininom ito. Bleh ang pait! Matagal tagal na rin kase ako hindi nakakainom dahil pinagbabawalan ako ni mommy pero wala naman siya dito sooo, who will stop me? Char wag po tularan nagmumukha tuloy akong rebelde.
Narinig kong mahinang natawa si Zyair at tinaasan ko siya ng kilay, o ano naman tinatawa tawa niya dyan? Ginawa nanaman niya kong clown!
"Umiinom ka rin pala?" Sabi niya, o eh anong funny don? Tsss what a weirdo
"Obviously" Bulong ko "Cheers?" Tanong niya at idinikit ang shot glass niya sakin wow ha close ba kami? Char!
Nilapit ko ang shot glass ko sakanya "Cheers for more inuman pare chong" Sabi ko na 'lasinggera tone' at natawa lang siya pero maya maya ay naging serioso rin siya
Luh what happened? Kanina lang tumatawa tawa siya tas ngayon sumerioso? AHA! Alam ko na! Natatae siguro siya noh!
"Aizaia, malapit na ko bumalik sa mundo namin" Diretso niyang sabi at naglaho ang ngiti sa mga labi ko.
Ano? Aalis na siya? Bakit ang aga naman ata? Ni wala pa siyang one week dito sa mundo namin eh, ano yun staycation lang tas aalis na agad?
Pati alam niya na kaya na ang kuya ko ang nawawalang hari nila? Babalik pa kaya siya sa mundo namin tulad ng ipinangako niya dati nung mga bata pa kami?
BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasy[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...