15

183 61 63
                                    

Chapter 15: Just the two of us

Aizaia Yzabelle's POV

Kakaligo ko lang ngayon at maghahanda para sa klase ko ngayong araw. Mga bata, wag tamarin maligo ah #stayhealthy #stayhygenic

Ayan ha, kung dati maaga ako gumigising palagi, ngayon mas inagahan ko na!! From 8 AM to 7 AM!!

Natrauma na ko nung isang araw na first time kong malate at ayoko nang malate ulit yon.

Not now, not tommorow, never ever!!

"Monica, nga pala pwede mo ba kong bigyan ng copy ng class schedule ko? Para di na kita tatanongin palagi hehe" Nahihiya kong sabi.

Palagi ko kase tinatanong kay Monica kung anong next class ko, baka maya maya nyan naiirita na pala siya, makulit pa naman ako hehe.

May kinuha siyang beige na folded paper sa basket niya at binigay ito sakin.

Yaaay may kopya na ko ng class schedule!! Masisiguro ko na na hindi na ko malalate at alam ko na ang pagkakasunod-sunod ng mga subjects ko hihi. Para makapag advance reading rin ako #sipag #tularan

Hmmm para sa Monday ang classes ko ay History, Princess Etiqquetes, and Archery.

Tuesday schedule ko is blanko!! Wala kaming pasok tuwing Tuesday at Thursday yay!!

Sabayan niyo ako at tayo'y magdiwang!! Party party tugs tugs tugs!!

Anyways tuloy na natin, wednesday schedule ko naman ay Gardening, Philosophy, at Algebra.

Bigla naman akong kinabahan sa Algebra. I hate math pa naman!! Sino ba may gusto sa math? Tara suntukan, char.

11 AM pa naman klase ko. Tsk kung kailan gumising ako nang maaga doon naman late ang klase!!

Pero sabagay, mas okay na na ready ako.

Sa Friday naman ang subjects ko ay Self-Defense, Arts, at sa huli ay ang Music.

Naexcite naman ako bigla para sa friday schedule. Hindi dahil sa self-defense ha? Mahilig kase ako sa Arts, lalo na sa Music.

Tara na Monica, pumunta na tayo sa royal dinning hall at baka sabihin nanaman ni Lady Soliel late ako" Inis kong sabi at natawa naman ito.

"Sayang lang po prinsesa Aizaia dahil wala ngayon sina Lady Soleil at si Principe Elliot dahil may inaasikaso sila sa kaharian ng Chionoa." Ani niya.

Napakunot naman ang noo ko. Bakit sila umiwi sa kaharian ng Chinoa at iniwan ako dito?!

Sana man lang sinama nila ako huhuhu, oo na ako na ang mag-isa. Sanay na naman ako mag-isa!

"Nakakainis naman, di man nila ako sinama? Hay hayaan mo na nga, tara na at kumain Monica dahil nagugutom ako." Aya ko sabay baba ng hagdanan.

Idadaan ko nalang ang mga problema ko sa pagkain #stresseating

Agad namang hinanda ng mga serbidora ang breakfast namin. Ako lang ang mag-isa dito kase nga wala sina Lady Soleil.

Susubo na sana ako kaso "Prinsesa Shaniel?" Napalingon ako at nakita ko si sir Benedict. Ang spokes person ni Zyair.

"Magandang umaga sir Benedict, ano pong maitutulong ko?" Pormal kong tanong.

Nagulat ako nang binigyan niya ako ng isang vintage brown envelop. Huh para saan naman ito?

Ano yan love letter? Char

Bumulong siya sakin "Pinapabigay ni prinsipe Zyair" Tuloy niya at bigla naman akong napangiti.

Aigooo! Wag ka ngang ngumiti ngiti dyan Aizaia Yzabelle! Umayos ka, wag mangarap ng gising!

Us Against the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon