8

343 136 101
                                    

Chapter 8: Halloween

Aizaia Yzabelle's POV

"Zaia sino yang nasa likod mo?" Seriosong tanong ni Maddison at tumingin sa likod ko. Bigla akong nakaramdam ng kilabot at kaba.

"M-madds. A-anong nasa likod ko?" Kinakabahan kong tanong, ramdam na ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Siguro mga 1000 beats per minute hahahaha charot.

Nakatingin lang siya sakin. Shit naman Arabella Maddison kinakabahan ako sa'yo eh!

Leche. Bakit ano ba kaseng meron sa likod ko!?

M-may white lady ba sa likod ko? Tyanak? Kapre? Tikbalang? Tangina takot pa naman ako sa mumu! Jusko Lord baka po mahimatay ako sa kaba neto.

Baka naman nasa likod ko ang guardian angel ko? Hala sinusundo niya na ba ko? Omg... ngayon na ba ang araw ng kamatayan ko?!

Pag nalaman ko na prina-prank niya lang ako ay nako, magkalimutan na kami! FO na kung FO! (Friendship Over)

Shet di pa ko ready! Ni di pa nga ko nagkakajowa eh tas kukunin agad ako ng maaga ni Lord! Wag ganon papa Jesus huhu.

"May spider kase sa likod mo" Natatawang sabi ni Maddsion.

JUSKO SPIDER LANG PALA!!

Muntikan na ko atakin sa puso dahil sa kaba! Akala ko kung ano na mygosh Maddy!

"Hayop ka Dolce Arabella! Akala ko multo!" Sigaw ko at hinagisan siya ng unan. Natawa naman siya.

"Anong multo ka dyan? Di yun totoo noh, para kang bata" Sabi niya at napasimangot ako.

Totoo kaya mga mumu! Nakikita ko sa youtube videos at mga true horror stories na nababasa ko sa wattpad

"Speaking of multo. Guysh may pupuntahan tayong halloween party later!" Naeexcite na sabi ni Tanleigh at napatalon talon pa sa tuwa.

Mukha tuloy siyang kangaroo.

"Halloween party? Holloween na ba ngayon?" Tanong ko sabay kamot ng ulo at napairap siya.

"Ay hindi Aizaia! Pasko siguro, pasko na ngayon!" Sarcastic niyang sabi na napa-poker face namannalang ako. Aish nakitang nagtatanong nang maayos eh!

"Aba sino naman nag invite sa'yo? Maya maya scam lang yan tas mabudol budol pa tayo nyan" Side comment naman ni Maddison. Oo nga nga naman

"Baliw! Ninvite ako ng isa sa mga naging nalandian ko dati. Second anniversary kase ng bar nila tas sakto halloween pa kaya ayun. Halloween themed ang celebration nila" Tuloy ni Tanleigh at sakto dumating na si Cailean.

"UY ANO YUNG NARINIG KO? AATTEND TAYO NG PARTY? YEEEY OMG PARTY PARTY TUGS TUGS TUGS TUGS" Naeexcite niyang sabi at sumayaw pa na parang nasa bar siya.

"Cailean, tigilan mo nga yan. Ang laswa mong tingnan, mukha kang pole dancer" Sabi ko at inirapan niya lang ako.

"Inggit ka lang kase magaling ako sumayaw! Ang basher mo, Aizaia!" Bulyaw niya.

"Pati anong aattend 'tayo' ng party? Kami lang hindi ka kasama" Natatawang asar ni Tanleigh at nag agree naman si Maddison.

"Hoy ang daya niyo naman! Bakit di ako kasama? After all the years that freinds us tas you throw our pagkakaibigan away?!" Pagdrama niya. Wow Bea Alonzo is that you? Charot

"Ano ba yan, magdadrama ka na nga lang mali mali pa grammar" Sabi ni Maddison at hinarap siya ni Cailean

"Oo na Maddison ikaw na ang magaling!" Pagdadrama ulit ni Cailean at mukhang naguguluhan si Maddison, hay ang slow ba naman kase

Us Against the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon