Chapter 7: Mall
Aizaia Yzabelle's POV
"BANGON NA BABAENG POLAR BEAR! NANDYAN NANAMAN PRINCE CHARMING MO SA LABAS!"
Ugh boses palang alam kong si Tanleigh yun. Ang hilig niya kong gisingin nang pasigaw, parang nasa mount Everest kausap niya! Di ba niya alam ang salitang "mahina"?!
"Sabihin mo sakanya rest in peace na ko, wag niya na ko guluhin" Bulong ko at bumalik na ulit sa pagtulog.
Please lang! Wag ngayon, kulang na kulang na ko sa tulog! At hindi pwedeng magka eyebags ako nyan!
"Ang sabi niya susunugin niya daw condo mo kung di ka pa bumangon dyan" Banta ni Tanleigh at agad agad akong napabangon nang wala sa oras.
Lumabas ako ng pinto para harapin siya. Nakita ko siyang kumakain ng nachos habang seating pretty sa sofa ko.
Wow feel na feel niya pang pagiging bwisita--- este bisita niya ah??
"Jusko naman Zyair ano nanaman ba yan ha? Sinira mo beauty sleep ko for the second time" Inis kong sabi at nagside comment tong si babaeng panda bear---- este si Cailean pala.
"Sleep lang walang beauty!" Kontra niya at tiningnan ko siya nang masama.
"Baka gusto mo sa bubong ka matulog mamaya?" Banta ko at napasimangot siya.
Huh ito ang pangblackmail ko sakanya eh!!
"May favor ako sa'yo" Sabi niya at lihim akong napairap lagi naman siyang may favor sakin eh! Di porket principe siya ng kabilang mundo pwede niya na ko gawing alipin!
Kung di lang kami friends, ipapakain ko siya sa mga lion sa manila zoo! Rarw.
"Ano nanaman yun?" Bored kong sabi.
"Pinagalitan ako nung isang lalaki na may baril. Bakit daw ganito ang suot ko" Sabi niya at napasimangot habang tinuro ang damit na suot niyang prince outfit.
Di ko napigilang matawa. Hahahhahaha kase naman kahit sinong makakita sakanya ay pag iisipan siya na takas mental!! O di kaya aattend sa isang birthday party na monarchy themed!!
"O eh anong gusto mong gawin ko? Maging fairygod mother mo tas ifransform kitang kalabasa?" Sarcastic kong tanong at natawa siya. Uy natawa siya sa joke ko!!
"Silly. Gusto ko sanang samahan mo ko mamili ng mga kasuotan niyo dito" Sabi niya.
Jusko yun lang naman pala favor niya! Akala ko naman mapapa climb every mountain and swim every ocean pa kami!!--- teka kanta yun diba???
"Okay easy peaziee! Maliligo lang ako and wait for me" Sabi ko at nagmartsa na papuntang cr.
Namiss ko na rin magmall! Busy ako lagi sa pagents and ofcourse sa studies ko kaya di na ko nakakapag libang libang.
Pagkaligo ko ay nagtungo na ko sa walk in closet ko para pumili ng susuotin.
Syempre minsan lang ako makapagmall kaya dapat fresh at presentable naman ako!!
Kinuha ko yung vintage brown na culottes at tinernuhan ito ng plain white na blouse. Oh diba simple but elegant lang ang peg ng lola niyo!
Naglagay rin ako ng light make up at minessy bun ang buhok ko. At lumabas na ko.
Napatayo naman si Zyair, hay hay don't tell me pupurihin niya ko sa kagandahan ko? Maliit na bagay
"Ang tagal mo naman. Alam mo ba halos isang oras kitang hinintay?" Reklamo niya.
Ugh! Akala ko naman pupurihin niya ang kagandahan ko! Grrrr paasa hmp!
"Ganito talaga ang mga babae dito!! Matagal kami mag ayos" Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/232178692-288-k469316.jpg)
BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasi[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...