Chapter 3: Who Are You
Aizaia Yzabelle's POV
"Aizaia?"
Napalingon ako sa lalaking lumapit sakin at---
HOLY SHIT! OMYGOD TOTOO BA TONG NAKIKITA KO?!
"U-uy! Xander ikaw p-pala!" Nauutal kong sabi. I really can't believe na dito ko pa siya makikita! Of all places naman!
Nandito lang naman kase yung 'no strings attached' boyfriend ko nung sinior high!
Sa dami dami pa ng lugar bakit dito pa kami nagkita!? Kilala niya ko bilang desente at mahinhin na babae baka isipin niya lasinggera ako!
"Kamusta ka na, Yzabelle? Long time no see" sabi niya at nginitian ako.
Ugh okay this is awkward!
"Ah okay naman, healthy and happy" sabi ko at napatango naman ito.
"Ikaw pala kamusta ka na?" Tanong ko naman pabalik.
"Okay naman. Graduating kaya naeexcite na malungkot na kinakabahan" sabi niya. Wow ang dami niya namang nararamdaman!
Past is past, but I'm still guilty na iniwan ko siya. We were senior high classmates when he told me that he likes me, but I didn't feel the same.
Ayoko siyang saktan kaya iniwasan ko siya. Baka sakali mawala ang nararamdaman niya sakin.
Gusto ko isalba ang pagkakaibigan namin kaso iba na ang situwasyon ngayon.
I was right that I didn't forced myself liking him, pero alam ko na may pagkakamali rin ako na hindi ako siya binigyan ng explanation.
"May boyfriend ka na ba, Yzabelle?"
Okay this is double awkward! Mygosh lupa kainin mo na ko! As in ngayon na please!?Anong klaseng taong ba kase yan? Out of the blue bigla nalang tatanongin kung may jowa na ko?
"Hmmn wala. Studies at pagent lang muna ang priority ko ngayon" I honestly said. Well totoo naman eh. I don't lie. Minsan lang hehehe char.
Sana wag niyang sabihin na gusto niya pa ko---
"Aizaia, ikaw parin" Fuck this is triple awkward! Punyeta nasan na ba sina Tanleigh, Cailean at Maddison?
Magsasalita na sana ako kaso nahagip ng mata ko si Tanleigh na may kasamang lalaki, mukhang papalapit na sa table.
Yes!! Thank you guardian angel!!
Kaso napansin ata ni Tanleigh na may kausap ako dito sa table namin kaya kinindatan ako neto at umalis. Shit naman eh! Leche nakakainis! Wrong timing naman.
"Ah---" wala akong masabi. Ano ba dapat kong sabihin? I don't want to hurt him but at the same time, I don't want him na umasa, na may pag asa pa kami.
"Hala omg! Xander ikaw ba yan!" Napalingon ako kay Cailean na papunta sa table namin.
Yes! Sige tama yan Cailean chikahin mo nalang tong si Xander!
Napatingin naman si Cailean saming dalawa si Xander at kumanta
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal.Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig sayang naman ang ating nakaraan" kanta niya at natawa naman tong si Xander.
Napaface palm nalang ako. Ang awkward na nga ng situasyon eh! Mygod di naman nakatulong tong si Cailean!
"Ay hindi mo ba nagustuhan Aizaia? Hmmm sige iba nalang" nalaisip ito at kumanta nanaman!
"Xander and Zaia kissing on a tree
K-I-S-S-I-N-G!" With emotions niya pang kanta. Leche tong babaitang toh!

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasy[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...