Aizaia Yzabelle's POV
"Aizaia, bumangon ka na dyan. Marami pa tayong gagawin ngayon lalo na maghahanda tayo para sa floral feast mamayang hapon" Boses palang kilala ko na na si Monique yun.
Gosh anong oras na ba? Inunahan pa niya yung tilaok ng manok ah!
Teka may manok ba dito sa parallel universe? Parang wala pa naman ako nakikita dito sa kaharian.
Agad din akong bumangon sa malabot kong kama--- kay Shaniel pala hehe.
Pero napaisip ako... ano yung floral feast? Aish.... boba malamang flower!! Floral nga eh isip isip naman minsan, Aizaia Yzabelle!!!
"Para saan yung floral feast? Parang sa Baguio lang ba na panagbenga festival?" Tanong ko. Mapakunot naman ng noo si Monique.
Aish oo nga pala nasa ibang mundo ako! Hay I miss the normal world... teka hindi ko sinasabi na abnormal itong parallel universe pero masasabi ko talaga na ibang iba ito sa mundo na kinalakihan ko....
"Ah... I mean... anong ginagawa sa floral feast??" Pagbago ko ng tanong.
"Ang floral feast ay isang selebrasyon bilang sa pagpapasalamat sa kapaligiran, masagabo ang bunga ng mga bulaklak dito sa Bethony at ginagawa rin itong pangkabuhayan ng mga mamamayan dito kaya naman pinagdidiriwang talaga namin ang pista na ito. At ngayong taon, imbitado ang kaharian ng Chinoa sa floral feast festival kaya malaki ang paghahanda na ating gagawin." Sagot ni Monique at napatango naman ako.
Bigla naman akong natawa, yung boses kase ni Monique parang si Waze!! 'In ten kilomiters, go to the left' hahahahha char pero compliment yun ah!!
"Oh I see... so pano yan ano susuotin natin?? Flower petals na pinagdikit dikit?" Tanong ko.
Alam kong napaka walang kwenta nung tanong ko pero curious lang naman.
Bigla namang natawa si Monique "Hahahhaha hindi, Aizaia!! Kahit ano pwede suotin basta may bulaklak ang disenyo, o di kaya pastel colors" Pag explain niya. Napatango naman ako.
"May bulaklak ba akong damit dito?---- I mean si Shaniel pala" Pagpalit ko. Wala naman kass akong pag aari dito eh.
Lahat ng ito ay kay Shaniel kaya dapat lang na hindi ako magfeeling prinsesa dito dahil nagpapanggap lang naman ako.
"Oo naman! Mahilig si Shaniel sa mga bulaklak kaya sigurado ako na may damit siya na aakto para sa floral feast." Sabi niya at napatango nalang ako.
"Bumaba na muna tayo para makakain ka na ng umagahan, at pagkatapos ay lilibutin kita sa unang palapag na bahagi ng kaharian" Sabi niya at tinulungan akong makatayo.
Bumaba na kami sa hagdanan pero ramdam na ramdam ko parin ang antok ko. Di kase ako natakulog ng maayos kagabi dahil masyado akong madaming iniisip.
Lalo na si kuya... Kamusta na kaya siya? Alam na kaya ni Shaniel na ang kuya ko ang tunay na nawawalang tagapagmana?
Miss ko na rin mga kaibigan ko na baliw, joke lang hahahaha.
Pero napaisip tuloy ako kung nahahalata na kaya nila na hindi ang tunay na Aizaia ang kasama nila? Lalo na magkaiba kami ng ugali ni Shaniel.
Mabait siya. Well, mabait din naman ako pero demonyo kase ako minsan eh hahahahaha thanks to Tanleigh at Maddison chos. Pero si Shaniel, napaka pure niya, para siyang guardian angel!!
Anyways bakit ba ko nag ooverthink? Ienjoy ko nalang ang staycation ko dito sa Bethony.
Nang makarating na kami sa dinning area ay agad ako sinalubong ni mama.... mama ni Shaniel na nanay ko muna ngayon.

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasy[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...