Chapter 1: Past
12 years ago....
"Prince Zyair bumalik ka dito!" Patay nahuli nanaman ako!
Hawak-hawak ko ang isang golden crest na nakita ko sa amparador ng aking ama, at bilang isang prinsipeng puno ng kuryosidad, ay kinuha ko ito para mas matingnan ko. Kung kaya't ako ay naiinis sa mga kawal na 'to! Hindi ako maiwan mag-isa.
"Prince Zyair! Tumigil ka kamahalan!" Binilisan ko ang takbo ko. Yung tipong kasing bilis ni Flash, di nila ako pwede mahuli, not now. Or never ever. Joke.
Nakalabas na ko ng kastilio at naghanap ng mapagtataguan.
Saan kaya pwede? At habang tumitingin sa kabuuan ng palasyo, nakita ko ang hidden garden ni mama, ang pinakapaborito kong lugar dito.
Tatakbo na sana ako doon ngunit naalala ko na bawal pala ako pumunta doon kung mag-isa ako.
Ma, I'm sorry ma, ngayon lang naman eh!Binuksan ko kaagad yung maliit na pinto papunta sa hidden garden at sinira ko ito nang dahan-dahan.
Hihiga pa lamang ako sa paborito kong tambayan - ang akasya tree, nang biglang lumiwanag ang golden crest na hawak ko at yung pader sa dulo neto. Gulat na gulat ako sa mga pangyayaring iyon at nabitawan ko na lang ang crest na iyon!
Ikinagulat ko pa nung nag transform ito at naging... mahiwagang portal?
Kailan pa nagkaroon ng portal ang kaharian ng Bethony? Lumaki ako dito pero hindi ko alam na may ganito pala sa kaharian namin.
Magkahalong excitement at takot ang namayani sa aking puso, ngunit, napagdesisyunan ko pa din na pumasok dito at alamin kung saan ako dadalhin ng mahiwagang lagusan na ito.
"AAAAAAAAAH"
Nilamon ako ng liwanag at nagpaikot-ikot na ako. Nakakahilo. Parang nadeform lahat ng organs sa katawan ko, konti na lang ay masusuka na ako!
Nang mawala ang liwanag ay agad kong binuksan ang aking mga mata at tumambad sakin ang---
Teka nasan ako???
Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay nagulat at nagtaka sa aking nakita - ang dulo ng lagusan ay ang kaparehong akasya tree sa garden ng aking ina, ngunit bakit wala ang kaharian dito?
Para bang nasa ibang planeta ako. Nasa ibang mundo, na wala ang kaharian ko.
Maglalakad na sana ako upang libutin ang pagilid ngunit nagulat ako nang may biglang sumigaw
"AHHHHHHHHHH MAY MANIGNO!! TULONG SAKLOLO PO PAPATAYIN NIYA KO WAAAAHHHH"
Napatingala ako at may nakita akong isang inosente at magandang babae, mukhang kasing edad ko rin, na nasa itaas ng puno.
"Sino ka? Magpakita ka sakin" seryoso kong sabi ngunit hindi pa rin ito bumababa.
Aba! Ano ang karapatan ng isang ordinaryong tao na tulad niya para hindi ako pakinggan!
"W-wag kang lumapit! Sige isusumbong kita sa daddy ko! Mayor siya! P-pwede ka niyang ipakulong o i-ipapatay!" Banta niya sakin at napakunot lang ang noo ko
Ano bang pinagsasasabi niya? Mukha ba kong mamamatay tao? Isa ba siya sa mga kalaban ng kaharian namin?
"Ano bang sinasabi mo?" Inis kong sabi sakanya at napatingin ito sakin
"Di mo ba ko kilala? Ako si Aizaia Monterrio! Anak ako ng vice mayor ng Taguig!" Pasigaw niyang sabi.
Teka bat ba niya ko sinisigawan? Isa akong prinsipe kaya dapat niya akong igalang at irespeto! At anong mayor? May ganoon bang klase ng mamamayan sa amin? Siraulo ba 'to?

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasía[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...