18

144 47 47
                                    

Chapter 18: The Confession

Aizaia Yzabelle's POV

Nandito ako ngayon sa gild na bahagi ng rooftop sa palasyo habang umiiyak.

Ang sakit eh, may karapatan naman akong malungkot diba? May karapatan naman akong umiyak at mainis?

Sana hindi nalang ako sinama ni Zyair dito sa Dernion kung masamang balita lang pala ang sasalubong sakin.

The fact that Zyair will be marrying Princess Renee is killing me. Ang sakit sakit, ang hirap tanggapin.

Natawa ako bigla habang umiiyak. Ay, wala pala ako karapatang magselos, sino nga ba ulit ako sa buhay ni Zyair?

Isa lang ako di hamak na kaibigan niya from the other world na hindi niya na makikita pa dahil isasara na ang portal.

Wala rin naman akong pag-asa sakanya kase hindi naman ako si Shaniel, wala ako dugong royalty. Anak lang ako ng mayor, but other than that I'm nothing.

Zyair will only exist in my dreams, I can't accept the fact that we can't be together. We were both born and grew in two different worlds.

Di bale na, pagbalik ko sa mundo ko ay agad kong hahalughugin ang buong Pilipinas para mahanap ang counter part ni Zyair na kamukhang-kamukha niya.

Tangina nagawa ko pang magbiro despite of my situation being heartbroken? Wow, ibang klase ka talaga Aizaia Yzabelle.

Now, I believe that karma really is true. I didn't consider Xander's feelings and dumped him without giving any explanation.

Maybe this is God's will, sinampal ako ng realidad na tama na ang pagiging illusyonada.

But the weird thing is, why did Zyair agreed King Denver's arrange marriage between him and Princess Renee?

Akala ko ba may something sila ni Shaniel?

I feel bad for my counter part, Shaniel is struggling in my world to survive, to find Zyair's older brother who is the true heir to the throne, while Zyair will be marrying someone else?!

I can't understand. What exactly is the hidden agenda of Zyair? I'm sure pinagisipin niya muna ito mabuti bago siya pumayag sa offer ni King Denver.

Dapat ko parin ba pagkakatiwalaan si Zyair?

Tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto ko pero biglang may nagsalita.

"Aalis ka na?" Napalingon ako at nakita si Dein na nakasandal sa poste habang nakatingin sakin.

Gosh, kanina pa ba siya nandyan? Nakita niya lahat ng mga drama at pag-iiyak ko?! Waaahhh.

"Dein! K-kanina ka pa ba nand-dyan?" Nauutal kong tanong at tumango naman ito.

"Dito rin ako pumupunta kung gusto ko mapagisa o di kaya kapag malungkot ako" Sagoy niya. Hmmm mukhang malalim din pala hugot nito.

"From the very start Shaniel, I knew it all along that you have no feelings for Zyair, that everything was just a show because Lady Soleil pushes you to love Zyair to be the future queen of Bethony someday, and I respect that, not until when you came back from the other universe and you changed a lot, now that I can see and it is crystal clear that you love Zyair." Mahaba niyang sabi.

Napatitig nalang ako sakanya at paunti-unting prinoproseso ang mga nalaman ko ngayon.

Anong ibig sabihin neto? Wala talagang gusto si Shaniel kay Zyair, pero pinapakita niya lang sa mama niya na may namamagitan sakanila ni Zyair para mapanatag ito?

Us Against the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon