Chapter 11: Finally here
Aizaia Yzabelle's POV
Pumasok na ko sa loob ng kakaibang portal.
Di ko alam kung bakit pero biglang sumakit ang ulo ko, para bang pinupokpok ito at nilamon ako ng bultaheng liwanag.
"AHHHHHHHHHHHH ANG SAKIT TAMA NA!!" Sigaw ko at kulang nalang maiyak ako. Napapikit nalang ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit.
Maya maya lang ay nawala na ang liwanag at bigla akong bumagsak galing sa puno.
Aish! Ang sakit non ah tumama pwet ko sa sahig waaahhhh!!!
Bigla kong pinagmasdan ko ang paligid, t-teka nasan ako?! Jusko di ako pamilyar sa lugar na ito.
Shet nasa langit na ba ko?? Teka bakit langit agad diba dapat sa purgatory muna kase dun hahantuntan kung sa impyerno ka ba mapupunta o di kaya naman sa langit.
Pero hellur!! Sobrang bait ko kaya, sigurado naman ako sa langit ako mapupunta!! I'm always up to good, at banal rin ako noh!!
Kaya wala ako nakikitang rason para mapunta ako sa impyerno #confident
Pero teka nga bakit ba pinag uusapan natin ang kamatayan ko?? Mukhang buhay pa naman ako kase suot ko parin ang damit ko bago ako umalis sa mundo ko----
Omo.... nandito na ba ko?? Sa parallel universe?! Shet!!
Bigla akong napatayo ng wala sa oras. Pinagmasdam ko ang paligid, ang daming halaman, puno at mga bulaklak.
Ang ganda naman dito!! Hidden treasure ng Pilipinas ka ghorl?
Hahahaha joke pero ang ganda talaga dito!! Sayang di ko dala yung cellphone ko at di man lang ako nakapag selfie! Nakakainis naman huhu!!
Tumayo na ko para libutin ang lugar, kailangan kong malaman kung nasan ako. Di pa talaga nakakapunta dito eh.
Sinuot ko ang hood ng cape ko at naglakad lakad na. Ngayon ko lang napagtanto na nasa garden pala ako. At etong garden na ito ay parehong pareho lang kung saan kami unang nagkita ni Phoenix.
Lumabas ako sa secret garden kung saan ako nahulog at pagkalabas ko ay bumungad sakin ang isang malaking kastilio----
Wow... wow lang ang masasabi ko.
Para akong nasa mundo ng mga barbie. Tulad nung sa princess and the pauper, o di kaya barbie and the diamond castle--- ay hindi hindi!! Princess charm school!!
Oo basta parang ganon!! Yung mga fairytale castle sa mga barbie movies!
Waaah naexcite tuloy ako. Ano kaya magiging kapalaran ko dito? Sana naman hindi ako mahuli nyan. Baka ilibing nila ako ng buhay huhu.
Pero tiwala lang!! Alam kong kakayanin ko 'to. Di ako magaling mag acting pero kaya ko naman siguro maging royalty noh? Hay sana nga.
Maglalakad na sana ako kaso nakita ko na may pana na tatama sakin.
"MISS LAYO!" agad naman akong natauhan at agad na tumakbo papunta sa ilalim ng puno upang magtago.
What the fuck?! Hanggang sa parallel universe ba naman may magbabanta sa bukay ko?!
Agad akong lumingon kung saan galing yung pana at nakita ko isa itong lalaki, sinigawan ko ito.
"HOY LALAKI BULANG KA BA O SADYANG BALAK MO TALAGA AKO PATAYIN?!" Sigaw ko at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang dahil sa galit.
Bwisit may pulis ba dito?! Kung meron ay ipapakulong ko siya agad agad!! Wala ng explanation!!
Tumakbo yung lalaki para sakin at tatakbo rin sana ako para makaiwas sakanya.

BINABASA MO ANG
Us Against the Universe
Fantasía[Wild Rebel Bloom Series #1] Their worlds were never meant to meet. But what if destiny became playful and gave them a chance to do so? Could Prince Zyair of Bethony reach and search the depths of Aizaia Monterrio's universe? Or are they just like...