Chapter 8

264 7 0
                                    


[Princess Kesha's POV]

"Tara labas tayo." Sabi sakin ni Prince na para bang walang nangyari kanina, na para bang hindi sya nagtanong ng kung ano. Hindi na ko nakasagot pa dahil hinila na nya ako palabas ng mall. Nagpunta kami sa seaside. Sunset *0*

Favorite na pinapanood naming dalawa ay ang sunset.

Nung naghahanap kami ng pwesto, napunta ang tingin ko sa isang lalaki na medyo pamilyar sa akin. Sya, sya yung kasama kong naglalaro kanina. Grabe, loner much si kuya. Napadako ang tingin nya sa akin at nagkatitigan kami sabay iwas ng tingin. O-kay. What was that?! Inalis ko na lang sa isip ko ang lalaking iyon at inenjoy ang panunuod namin ng sunset ni Prince. Inakbayan nya ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Papalubog na ang araw kaya naging aswang na sya XD De joke lang. Hehe. Nung papalubog na ang araw eh humarap sya saakin, dahilan para tanggalin ko ang ulo ko sa balikat nya. Hinawakan nya ang kamay ko at tinitigan ako sa mata. Umidas! Eto na naman po kami. Parang drums sa lakas at bilis ang tibok ng puso ko. Kabado na natutuwa na kinikilig na malungkot na hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon.

"Kailangan mo ng sagutin ang tanong ko." Sobrang seryosong sabi nya sa akin.

"Huh? A-anong tanong naman yon?" Patay malisya kong sagot kahit alam ko naman ang tinutukoy nya.

"Mahal mo ba ko?"  Nakatingin pa rin sya ng diretso sa mata ko habang sinasabi yan kaya napaiwas ako ng tingin.

"O-oo naman...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.. Bestfriend kita eh."

"Not that. Mahal mo ba ko in a romantic way?" Ugh. Prince naman eh! Magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sayo.

'Alam mo miss, baka rebound ka lang' Narinig ko na naman sa utak ko yung sinabi ng babae kanina. Paano nga kung rebound lang ako?

"Kasi ako, mahal na mahal kita." Sabi nya na ikinagulat ko ng sobra. Yung tipong gusto ng kumawala ng puso ko sa katawan ko.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon