Chapter 30

178 6 0
                                    

"Kung anu-ano sinasabi mo dyan pangit. Oo na, talo na ko. Tara na nga kumain na tayo." Sabi nya at hinila na ko papunta sa greenwich, hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ko sinabi yon. Ano bang nangyayari sakin? Kaasar naman eh.

Um-order na kami ng lasagna na lagi naming kinakain dito.

"Sungit! Kaya ko ng kumain mag isa!" Pano ba naman, ayaw nya na gamitin ko ang kamay ko para subuan ang sarili ko.

"Hindi! Baka mamaya may pilay ka pala sa braso eh." Bakit ganto sya ka O.A? T.T

Wala na kong nagawa kundi hayaan sya na subuan ako.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami sa bahay at natulog.

Actually, hindi ako nakatulog T___T 4am na at gising na gising pa rin ang diwa ko, iniisip ko kasi yung sinabi ko kanina.

Mahal ko na nga ba talaga ang masungit na yon?

Pero si Prince, sya ang mahal ko.

Sino ba talaga? Hays.

Pero, itong nararamdaman kong to, dati kay Prince lang, pero ngayon mas matindi pa 'yung kay sungit. Dati tuwing naiisip ko si Prince nasasaktan ako, ngayon pag naiisip ko na mawawala sakin si sungit, feeling ko ikamamatay ko.

Alam ko na kung sino talaga ang gusto ng puso ko.

--Kinabukasan--

Pagkagising ko, 2pm na. Hindi ako ginising ni sungit? Ohmygosh! Tumatakbo akong lumabas ng kwarto. Please, sungit, wag mo kong iwan, wag mo syang gayahin, parang awa mo na. Hindi ko kakayanin.

Tinignan ko ang kwarto nya pero wala sya doon, pati na rin sa kusina, salas at sa banyo. Asan ka na ba sungit?

Lumabas ako ng building ng condo nya para hanapin sya pero wala sya. Pumunta ko sa park na malapit dito, wala rin sya.

Kung aalis man sya, alam kong gigisingin nya muna ako. Sungit, asan ka na ba.

Napasalampak na lang ako sa sahig ng park at nag umpisang umiyak. Please, wag mo kong iwan.

Iyak lang ako ng iyak nung maramdaman kong may mga yapak na papalapit sa akin. Itinaas ko ang nakayuko kong ulo at agad na napatayo at napayakap sa kanya habang tuloy tuloy pa rin sa pag agos ang luha ko.

"Huy, may problema ba?" Tanong nya pero imbis na sagutin ko sya, niyakap ko pa sya ng mahigpit at kahit anong pigil ko sa luha ko, kumakawala pa rin sila.

"Pangit, ano bang problema?"

"Eh kasi *sniff* akala ko iniwan mo na ko."

"Bumili lang ako ng pagkain, ubos na kasi yung stock natin." Niyakap nya ako pabalik na nakapag pahinahon sa kabado kong pakiramdam.

"Promise mo, hindi mo ko iiwan."

"Tara, umuwi na tayo."

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon