Chapter 49

148 4 0
                                    

[Kesha's POV]

Papunta ko ngayon sa condo ni Prince, nalaman ko kasing sa bahay rin ni papa nakatira si sungi--Drake.

"Princess!" Agad nya kong niyakap noong nakita nya ko.

"Prince..." Niyakap ko rin sya pabalik.

"Pasok na tayo sa loob." Pumasok na nga kami sa loob at agad kaming umupo sa sofa.

"Mahal mo ko diba?" Tanong nya,

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Basta, sagutin mo na lang, princess."

"Opo."

"Mahal na mahal na mahal din kita."

"Bakit mo ba sinasabi yan?"

"Para hindi mo makalimutan."

"Hahaha. Ikaw talaga! Tara, kain na tayo." Hinawakan ko ang braso nya at hihilahin ko sana papunta sa kusina kaso bigla syang umaray.

"Prince, bakit may pasa ka na naman?"

"Ang careless ko kasi. Hehe."

"Halos tatlong araw pa lang akong nawawala pero lalo ka ng namumutla. Ginugutom mo ata 'yung sarili mo eh."

"Hi-hindi ah."

"Bubusugin na lang kita ngayon." Binigyan ko sya ng kiss sa cheeks. Pumunta na kami sa kusina, nagpresinta akong magluto dahil prito lang naman. Nagluluto lang ako habang nasa dining table sya. Nilingon ko sya, nakangiti lang sya pero namumutla talaga sya. Maya maya, nag panic ako ng makita kong dumudugo ang ilong nya.

"Pri-prince! Oh my gosh!" Agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit?"

"Du-dugo! Dumudugo 'yung ilong mo, Prince." Sobra akong kinakabahan, nag umpisa na rin akong umiyak, kusang pumapatak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan.

"Wag kang umiyak Princess. Naiinitan lang kasi ako. Pupunta lang ako sa cr."

"Pri-prince!" Sobra na kong nag-aalala sa kanya. Inalalayan ko sya papuntang cr.

Pagkalabas nya ng cr...

"Princess, nilalagnat ako. Alagaan mo naman ako oh." Pakiusap nya sakin.

"Syempre naman aalagaan kita. Sigurado ka bang ayos ka na?"

"Yup." Kiniss nya ko ng smack sa lips. "Ayan, gamot ko." Kiniss nya ulit ako. "Isa pa nga." Iki kiss nya sana ako ulit pero tinakpan ko ang lips ko gamit ang kamay ko.

"Princess naman eh! Isa pa plith."

"Heh! Tigilan mo ng ako!" Sabi ko habang nakatakip pa rin sa lips ko.

"Isa p--" Naputol ang sasabihin nya dahil bigla na lang nanlambot ang tuhod nya, agad ko syang inalalayan papunta sa kwarto nya. Ganun pa rin dito, walang pagbabago, puro pictures at memories naming dalawa. Inihiga ko sya sa kama.

"Ikukuha lang kita ng pagkain at pamunas." Lumabas na ko ng kwarto at kinuha ang dapat kong kunin. Pagkapasok ko sa kwarto nya, pumunta ako sa cabinet para kumuha ng damit nya. Habang naghahanap ako ng damit, may napansin akong isang box. Kukunin ko sana 'yon kaso biglang nagsalita si Prince.

"Wag! Wag mong bubuksan." Nanghihinang sabi nya, pinagbigyan ko sya at hindi na binuksan ang kahon.

Pagkatapos ko syang pakainin at painumin ng gamot, nakatulog na sya at ngayon, pupunasan ko na sya. Actually, sanay na rin ako, dahil ginagawa ko na rin ito dati. Habang pinupunasan ko sya, unti unting nanlalaki ang mata ko sa mga pasa na nakikita ko sa iba't ibang parte ng katawan nya.

Bakit napakadami nyang pasa? Anong nangyayari sa kanya? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Pinilit kong patulugin ang sarili ko. Natulog ako sa tabi nya para mabantayan ko sya.

-----

Napakiramdaman kong naiiihi ako kaya minulat ko ang mga mata ko, 1am pa lang, may pasok kami pero napagdesisyonan kong wag na lang pumasok dahil kailangan kong alagaan si Prince, nagtaka nga rin ako noong malaman kong hindi na pumapasok si Prince at excused daw sya sa school . Pumunta ko sa cr, hay nako! May pms nga pala ako ngayon. Nung itatapon ko na yung sanitary napkin, may natanaw akong balat ng gamot sa basurahan. Kinuha ko iyon at nagtaka kung para saan abg gamot, hindi ko na pinansin at bumalik na ko sa kama para matulog.

--KINAUMAGAHAN--

'Sino pupuntahan mo? 'Yung mahal mo na nag aagaw buhay na, o yung mas mahal mo na nagpakamatay dahil sayo?'

Tumatak sa isip ko yang tanong na yan. Narinig ko lang yan kanina sa dalawang babae habang naglalakad ako para bumili ng gamot. Sino nga ba ang dapat na piliin? Hindi ba pwedeng puntahan na lang sila parehas? Haist! Bakit ko ba kasi iniisip 'to. Byaan na nga.

Pagkapasok ko ng condo, nanghina ang katawan ko at nabitawan ko ang lahat ng hawak ko, habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Ohmygosh!

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon