Chapter 13

242 7 0
                                    

Nung natauhan na ko tska ko lang na realize na hindi ko nga pala kakilala tong sinasamahan ko.

"Uwaaaah! Sino ka ha?! San mo ko dinala? Pakawalan mo ko."

"Ugh. Pwede ba miss? Wag ka ngang maingay dyan. Tska hindi naman kita tinali, bakit mo sinasabing pakawalan kita?"

"Waaaah! Wala akong pakialam sayp! Ibalik mo ko samin."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Gusto mo bang mamatay sa bahay nyo? Tss." Tinignan ko naman ang masungit pero gwapong mukha nya. Te-teka, namu mukhaan ko to ah.

"I-ikaw yung nasa mall kanina diba? Waaaaah! Stalker ka noh? Rapist!"

"Wag masyadong ilusyonada, miss. Nakakamatay." Aba't ang lakas mang asar nito. Arrgg.

"Ewan ko sayo."

"You're welcome." Sabi nya at tska lumabas ng kwarto. Sosyal sya ah. Naka condo. Tinamaan naman ako ng konsensya ko, niligtas nya nga pala ako kanina. Iika ika akong lumabas ng kwarto para hanapin sya. Huhu ang sakit ng katawan ko.

Nakita ko syang nakatalikod at nagluluto sa kusina habang topless pero naka apron.

"Ho-hoy sungit!" Tawag ko sa kanya pero ni hindi man lang sya lumingon o sumagot.

"Sungit, ano, salamat ah." Nakayukong sabi ko.

"Tss. Welcome." Itinaas ko ang ulo ko at nakita kong nakatingin na sya sakin. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Waaaaaah! Yu-yung abs. Napatakip naman agad ako sa mata ko gamit ang kamay ko.

"Kunwari ka pa dyan, nakita mo na rin naman." Tumalikod ako sa kanya tsaka sumagot,

"He-heh! Bahala ka nga dyan!"

"Teka." Hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.

"Kumain na tayo. Happy New year." Then he smile, that makes me stare like an idiot.

--*

[King Drake Wolfarth's POV]

Hindi ko sya pinapakialaman noon dahil alam kong andyan ang bestfriend nya para protektahan sya, pero ngayon, alam kong ako na ang kailangan nya.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon