Chapter 19

228 6 0
                                    

Hinatid lang ako ni sungit gamit yung kotse nya kaso hindi sya pumasok sa school kasi hindi na sya pwedeng maki sit in.

Bored na bored ako sa klase. Last subject na lang to at break time na kaya konting tiis na lang. Wala akong kaibigan dito sa room kaya nung nag recess, wala kong kasama. Nakakalungkot kasi naalala ko si Prince. Palabas na ko ng room nung may humablot sa braso ko.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya kahit hindi ko pa nakikita kung sino sya.

"Ang amazona mo masyado, pangit."

"Oh, anong ginagawa ng masungit na lalaki dito?"

"Tss. Hahayaan ba kitang mag isa este tumakas?"

"Hahahahaha! Nadudulas tuloy eh. Haha. Ikaw lang sapat na pows."

"Ang pogi ko kasi."

"Alam mo gutom lang yan kumain na tayo." Dumaan muna ko sa english faculty dahil may kukunin ako sa english teacher namin kaso paglabas ko, nawawala si sungit, inikot ko ang tingin ko at nahanap ko sya sa isang gilid na may kinakausap na dalawang babae =_= Tss. May tinatago din pa lang landi to. Bahala sya dyan. Nakakainis!

Dinaanan ko lang sya tapos inirapan ko pa silang tatlo aalis na sana ko kaso hinablot nung isang babae yung buhok ko.

"Gusto mo tusukin ko yang mata mo ha?!" Malditang sabi nya.

"Gusto mo dukutin ko yang nguso mo ha?!" Ginaya ko yung tono ng pagkakasabi nya. Tss

"Aba't lumalaban ka pa ah."

"Pake mo ba? Bitawan mo nga yung buhok ko, takot sa germs na malandi yan." Wag nila kong binabadtrip baka pasabugin ko mga mukha nila na punong puno ng water color.

Sasampalin nya ko at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman napapikit na lang ako. Hantay ako ng hantay sa palad na dadampi sa pisngi ko kaso wala akong naramdaman.

"Wag mong subukan." Mahinahon pero sobrang nakakatakot na sabi ni sungit doon sa babae habang hawak hawak nya ang kamay nito. Tinulak nya yung babae kaya napaupo ito sa sahig, inalalayan naman sya ng isa nya pang kasama.

"Tandaan mo, sa oras na malaman kong may ginawa kang masama sa kanya, sisiguraduhin kong mamamatay ka." Pati ako natakot sa tono ng boses ni sungit. Yung dalawang babae naman tumakbo pero bago sila umalis sumigaw pa sila ng "I hate you!"

"Bakit ka ba kasi nakikipag usap sa mga clown? Tss."

"Selos ka? *smirk*" sabi nya habang may pinapahid sa kamay nya, parang sanitizer ata yun.

"A-asa! Hindi noh!"

"Hinila na lang nila ko bigla at ayaw akong paalisin." Pagpapaliwanag nya.

"Oh pake ko?" Mataray na sabi ko.

"Kunwari ka pa eh kulang na lang nga balatan mo ng buhay yung babae kanina. Hahaha."

"Ho-hoy! Wag kang ilusyonado dyan! Tss. Kala mo namang."

"Kala ko namang?"

"Wala! Buset! Tss. Dyan ka na nga!" Sabi ko at inunahan sya sa paglalakad.

"Bawal ka umalis." Ma autoridad na sabi nya tsaka hinawakan yung kamay ko then ayun, hindi ko na naman matanggal -_- Akala ko sanitizer yung pinapahid nya, hindi pala. Pagkatapos naming kumain, pumunta muna ko sa locker room para kumuha ng libro.

Pagbukas ko nung locker ko, may folded yellow paper doon. Kinuha ko yon tapos binuksan, may nakasulat kaya binasa ko.

'My princess,

I miss you and I love you.'

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hawak ko lang ng mahigpit yung sulat habang yung tibok ng puso ko pabilis ng pabilis.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon