Chapter 15

279 8 0
                                    

Kung nagtataka kayo kung ano ang ibinato ni Prince kanina, ano, uhmm, undies >///< Hindi ko alam kung saan nya nakuha yon at wala na kong balak itanong pa.

Pagkapunta ko sa kusina, nakita ko sya doon na naglalapag ng plato, nagkatinginan kami sabay iwas agad ng tingin. Awkward.

Umupo na sya at hindi ako pinansin. Ni hindi man lang ako ipinaghain o kaya inalok. Ang sungit talaga!

Kumuha ako ng plato pati na kutsara at tinidor tapos nagsandok na ako ng pagkain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

Pagkatapos naming kumain, nag presinta ako na maghugas ng pinggan dahil akala ko pipigilan nya ako pero hindi pala =_=

Nung natapos na kong maghugas, umupo ako sa sofa habang bored na bored. Bukas may pasok na kami at hindi ko alam kung paano ako makakapasok.

"Hoy Pangit!" Narinig kong tawag sakin ng masungit na nilalang pagkalabas nya ng pinto ng kwarto nya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pag iisip.

"Pangit na babae!" Hindi ko pa rin sya pinansin

"PANGIT NA BABAENG FLAT CHESTED NA BUNGANGERA!"

"Argg! Ano bang kailangan mo?!" Lumapit sya sakin tska nagsalita.

"Punta tayong mall -_-"  Wow. Sosyal ng kidnapper na to ah. Mall pang nalalaman.

"Yung totoo? Kidnapper ka ba talaga?" Nagtatakang tanong ko.

"Tss. Ewan ko sayo." Sabi nya at binuhat ako na parang isang sako ng bigas.

"Waaaah! Ibaba mo ko uyy! Waaaah!" Pinalo palo ko ang likod nya pero syempre hindi gaanong malakas, baka umiyak to XD joklang

Hindi sya sumagot kaya sumigaw ako ulit

"IBABA MO KO!"

"Ang ingay!" Angal nya at ibinaba na ako. Nasa labas na kami ng condo nya pero nasa loob pa rin kami ng pinaka building. Pumasok na kami sa elevator at nagpunta sa 1st floor. Nasa 7th floor kasi ang condo nya.

Nung nakalabas na kami ng building, aalis na sana ako para tumakas nang hawakan nya ang kamay ko. In-entertwine nya ang kamay namin. Waaaaaaah!

"A-ano bang ginagawa mo huh?!" Tanong ko sa kanya.

"Para hindi ka na magbalak tumakas."

"Che! Ewan ko sayo. Chansing ka lang eh!"

"Asa!" Masungit na sabi nya. Balak ko na sanang ihiwalay ang kamay ko sa kamay nya kaso, magkadikit ito T__T Ilang beses kong sinubukang tanggalin pero nasasaktan lang kami pareho.

"ANO BA KASING INILAGAY MO SA KAMAY MO?!" Assr na asar na tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun. Tara na pangit! Marami pa tayong bibilhin."

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon