Chapter 18

246 12 2
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napababa ako mula sa pagkakapasan nya sa akin habang damang dama ko ang napakabilis na tinok ng puso ko at ang namumulang mukha ko. Nakita ko rin ang pamumula ng tenga nya. Kaso nung pagkababa ko bigla namang nahila ng suot kong earphone ang cellphone ko na nasa bulsa nya. Sasapuhin ko sana yon kaso saktong sinapo nya rin yon kaya naglahawak kami ng kamay dahilan para mas lalo kong maramdaman ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa.

"A-ano. Sige, ka-kaya ko ng ano, kaya ko ng mag isa, malapit na-na rin naman. Sige, ba-bye!" Aalis na sana ako dahil nakikita ko na ang gate ng school kaso hinawakan nya ko sa braso.

Jusmiyo!! Bakit ba ganto tong lalaking to? Bitawan mo na ko plith T___T Parang awa mo na.

"Ba-bakit?" Nakayukong tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pwedeng tumakas." Parang wala lang nangyari kanina yung tono ng pagsasalita nya. Uwaaaaah! Ang daya naman eh.

"Hi-hindi naman ako tatakas eh >3<"

"Tss. Hindi ako naniniwala. Sakay!" Pinapasakay na naman po nya ko sa likod nya T____T

"A-ayaw ko! Maglakad na lang tayo!"

"Hindi pwede. Sakay na sabi."

--

[King's POV]

Ayaw kitang mapagod, bakit ba hindi mo maintindihan? Kulit!

[Kesha's POV]

"Ayaw ko nga!"

"Bahala ka dyan." Akala ko iiwan na nya ko kaso binuhat nya ko ng pang bride.

"Naman oh! Ibaba mo na ko!!!" Hindi sya nagsasalita at mukhang walang balak sumagot.

"Ibaba mo na ko hoy sungit!"

"Wag ka ngang maingay dyan. Sige ka, ibabagsak kita." Natahimik naman ako at pinabayaan na lang sya kesa naman madama ko si sahig. Pagtawanan pa ko ng mga tao dito.

"Who's the guy?"

"Oh my gosh! Is that Kesha?"

"Ang gwapo nung lalaki. Gosh!"

"Sila ba?"

"Boyfriend ba ni Kesha yan?"

"Kala ko ba sila ni Patrick?"

Rinig na rinig ko ang bulungan este chismisan ng mga ka schoolmate ko. Famous? Joke XD

Wala pang teacher nung pumasok kami sa room. Tumabi sya sa akin at sa ilalim ng desk eh hawak nya ang kamay ko. Umidas! Yung puso ko, nagwawala.

"New classmate natin yan?"

"Bakit hindi naka uniform?"

"Bf ba ni Kesha yan?"

"What's his name? Ang gwapo nya. Gosh!" Tinignan ko si sungit para malaman ang reaksyon nya pero poker face lang sya habang naka hawak sa kamay ko.

Nung dumating ang teacher, pinayagan sya na maki sit in. Wow! Ang lakas nya sa teacher. 4th year highschool pa lang ako ngayon kaya hindi gaanong mahigpit ang teachers.

Maya maya nakita kong nakadukmo si sungit sa desk, mukhang tulog na. Hehe. Tatanggalin ko na sana yung kamay ko kaso lalo nyang hinigpitan. Huhu! Kaasar!

Nung break time na, nasa pinto na kami ng room at lalakad na sana ko papuntang canteen kaso binuhat na naman nya ko ng pang bride T_T Hindi na ko nag aksaya pa ng laway para magpababa dahil alam kong talo lang ako.

Pagdating sa canteen, pinagtitinginan kami. Agaw eksena kasi eh.

Inupo nya ko sa isa sa mga table doon. Umalis sya para bumili ng pagkain. Tatakas na sana ako kaso...

"Subukan mo lang tumakas." Matalim ang tingin na sabi nya sakin.

"Hehe. Anong tatakas? Ang saya kaya dito. Enjoy na enjoy ko. Hehe." =_=

Kinain na namin yung dala nyang pagkain. Jjampong *0* Ang sarap grabe.

Maya maya may lumapit saming grupo ng mga babae. Natakpan at na ecehepwera ang beauty ko dahil kinukulit nila si sungit.

"Kyaaaah! Kuya anong name mo? Ang pogi mo naman."

"Pwedeng makuha phone number mo? Plith *puppy eyes*"

"Pa picture naman oh."

Aalis na sana ko kaso nahablot na naman nya ang kamay ko. Nebeyen! Ni hindi nya sinagot yung mga babae tapos pumunta sya sakin tsaka ako inakbayan.

"Magseselos kasi yung asawa ko. Sensya." Sabay turo nya sakin.

"Hoy hindi mo ako---" Pinutol nya yung sasabihin ko. Bad!

"Oo na. Mahal din kita. Ikaw lang sapat na." Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng malakas XD

--

"Ano nga ulit yun? Ikaw lang sapat na? Hahahahaha. Pfffft." Pang aasar ko pa sa kanya. Hahaha jejemoves XD

"Tss. Tigilan mo nga ako." Inilagay nya yung palad nya sa noo ko at inilayo nya yung mukha ko sa kanya.

"Pikon! Ikaw lang sapat na pows. Hashtag bente sais. Bhossxxzz drake pakabogz. HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Laftrip po ako. Sorna XD

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon