Chapter 60

191 1 0
                                    

I open the box. Naalala nyo pa 'yung nakita kong box dati sa cabinet ni Prince? Hawak ko na sya ngayon.

Isang taksil na luha ang lumabas sa mata ko. Sinundan pa ng isa, at ng isa pa, hanggang sa umagos na lang ito.

Yung box kasi na 'to medyo kasing laki ng shoe box then sa loob may maliit na box pa, binuksan ko 'yon at nakita ang isang diamond ring. Prince, you're torturing my heart. May lamang pamilyar na bracelet ang box, eto 'yung binili namin ni sungit sa manila ocean park. Natabi pala ni Prince 'to. Matagal ko na rin 'tong hinahanap.

Tinignan ko 'yung brcelet, nakasulat 'yung name na sungit. Memories.

__________________

"Pangit, bilisan mo naman dyan!"

"Teka!"

"Mala-late na tayo." Hinalungkat ko ulit 'yung kwarto ko at salamat, nakita ko na rin 'yung bracelet. Kinuha ko rin 'yung bracelet na ganto ni sungit kaso hindi nya alam na nasa akin. Wala kasi akong maisip na gift sa kanya dahil alam ko namang nasa kanya na lahat ng materyal na bagay.

Pagkapunta ko sa kany, naka poker face syang tumingin sakin.

"Psh!"

"Hoy wag mo kong i-psh zoned!"

"Tara na nga."

"Ang sungit mo talaga!"

"Mahal mo naman." Eh? Bakit ganun, maga-apat na taon na kaming magkakilala pero kinikilig pa rin ako.

Nagdrive na sya papunta sa school. 3rd year college na kami ngayon. Tourism ang course ko while HRM naman 'tong boyfriend ko.

"Uhm, sungit, anong date ngayon?" Pagtatanong ko para maalala nya.

"February 26, bakit?"

"Hehe. Wala." Heller, 2nd anniversary kaya namin. Samantalang nung 1st anniv namin eh ni hindi sya nakatulog.

Nakarating kami ng school habang ako, naka pout lang. Nagulat ako nung kiniss nya ko bigla. Ay tae! Kissing monster!

"Sungit!!" Suway ko sa kanya.

"You're tempting me, it's your fault." Wow ah. Kasalanan ko pa ngayon =_= Pinektusan ko sya then I strech his cheeks.

"Ang cute cute cute mo talaga. Mukha kang aso." Sarcastic na sabi ko habang naka sarcastic smile. In-strech nya rin 'yung cheeks ko at...

"Ang pangit pangit mo talaga, halatang ginayuma mo ko."

"Aray!" Angal ko. Binitawan nya ako at biglang umalis. Gawain ba ng matinong boyfriend ang iwan ang girlfriend nya at ni hindi man lang hinatid sa room? Ngayon lang nya ginawa 'to at sobrang naasar na ko. Una, nakalimutan nyang anniv namin. Pangalawa, iniwan nya lang ako. Oh, just great!

Sinundan ko kung saan sya pumunta then I see him talking to a girl. May ikagaganda pa ba 'tong araw na 'to? Tss. Kelan pa sya natutong makipag-usap sa ibang babae? At nakangiti pa sya ah. Psh!! Naglakad na ko papunta sa room nung nakasalubong ko si Blake na napaka daming kasamang babae. He's not that playboy before. I dunno what happened kasi bigla na lang syang naging ganyan nung nalaman nyang kami na ni Sungit. Iniwan nya 'yung mga tuko este babaeng nakakapit sa kanya at lumapit sakin.

"Bebs." Hahaha. He's still the old Blake that I know.

[King Blake's POV]

Bakit kahit anong gawin ko sya pa rin?! Arg! Bwiset! Nakakaasar! Sa dami ng nagkakandarapa sakin, hindi man lang sya napunta sakin. Kahit anong pagsama ko sa mga babae, sya pa rin 'yung gusto ko. Pambihira!

Nakita ko syang naglalakad habang naka pout. Tae! Lalo talaga syang gumaganda sa paningin ko. Arg!

Iniwan ko na 'tong mga unknown species na kasama ko at lumapit sa kanya.

"Bebs."

"Blake! ^____^" Please lang wag kang ngumiti ng ganyan. Baka bigla kitang itanan.

"Ah-sige Bebs, alis na ko. May klase pa ko. Bye!" Tae! Kailangan ko munang umiwas. Tumakbo ako at pagkahinto ko, bakla man gawin pero napahawak ako sa dibdib ko. Wild na naman kasi yung puso ko, buti na lang pogi ako. Grabe Kesha, lakas ng epekto mo!

[Kesha's POV]

Blake is acting weird. Parang umiiwas? Anyways, hindi ko na 'yun pinansin at pinagpatuloy ang paglalakd nung may marinig akong sobrang pamilyar na boses sa mike. May mga speakers kasi dito bawat room para marinig 'yung announcements.

"Hi reyna ko! Wag mainit ang ulo huh? Mahal naman kita eh. Akala mo siguro nakalimutan ko? I have a very touching poem na ginawa only for you. Baka mamatay ka sa kilig ah, gastos ko pa... Ehem, ehem, ehem."

"Roses are red. Violets are blue. Faces like yours, belong to the zoo. Don't be mad, I'll be there too. Not in the cage but lauging at you." Shete! Panira talaga 'tong tukmol na to. Rinig na rinig ko 'yung tawanan ng students. Pero mamaya, nagsalita ulit sya.

"But my queen, dont worry, cause I still love you."

"AYIIIIEEEEEEEEEEE~!" Grabe nakakahiya!!! Ang daming nakatingin at nang aasar sakin. Uwaaaah!

"Ehem!" Tumalikod ako at nakita ko ang naka ngiting aso kong boyfriend.

"Wala pa tayong theme song diba?" Sabi nya na nasa mike pa rin. I nod as an answer.

"Simula ngayon, eto na... Ehem."

~Bahay kubo kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari. Singkamas at talong, sigarilyas at mani. Sitaw, bataw patani.~ Pambihira! Kahiya hiya tong ginagawa nya. Juthmiyo. Natatawa na lang ako, muntimang lang. Grabe. Binatukan ko sya para tumigil.

"Aray! Grabe ka talaga kiligin!"

"Isa pa, sungit, ingungudngod na talaga kita."

"Eh kung sa lips mo lang naman ako ingungudngod, aba gawin na natin." Narinig ko 'yung malakas na tawanan ng students. Grabe, ang daming nanunuod.

"Kadiri ka talaga!"

"Mahal mo naman."

"Tss."

"Happy second anniversary. I love you so much." He said then may inabot sya saking box, i open it and nakita ko ang dalawang infinity ring. Sinuot nya sakin 'yung isa then binigay nya naman sakin 'yung isa pa.

"Aba, may kamay ka naman. Bakit ako pa pagsusuotin mo?"

"Pangit! Ang unfair mo! Ako nagsuot ng sayo tapos ayaw mong isuot yung sakin."

"Oo na. Oo na." Sinuot ko na sa kanya 'yung isang ring dahil baka umiyak pa 'to. "Happy 2nd anniversary. I love you more than you know." I wink then give him my gift.

"All along na sayo lang pala 'to? Halos mabaliw na ko kakahanap."

"Eh? Wala kong maisip na gift. Hahahaha. Sarreh!"

"Matagal na naman akong baliw. Baliw na baliw sayo." Corny nya talaga. Hahaha. Isinuot ko na 'yung bracelet sa kanya. He's about to kiss me but I place my hand on my lips.

"PDA ka!" I said. Hahaha. Totoo naman eh.

"Amp mo!"

"Kiss! Kiss na yan! KISS! KYAAAAAAAH! Rinig kong sigawan ng mga nanunuod. Kung mapapansin nyo, hindi sya nagbigay ng flowers nor chocolates. Ginawa nya na kasi 'yon nung 1st anniv namin. May mga nag abot sakin ng flowers katulad sa mga nangyayari sa tv then paulanan daw ba ko ng chocolates. Ang sakit kaya sa ulo! Muntimang akong umiiwas. Ayun nga, kiniss nya ko ng 3 times pero smack lang po hihi! Kilig much!

"I love you." He said.

"I love you more."

"I love you most."

"I love you more of the most."

"I love you most of the most."

"I love you forever."

"I love you infinity."

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon