Chapter 52

180 4 3
                                    

[Princess Kesha Sandoval's POV]

"Prince, kumain ka na." Sabi ko at kinuha ang pagkain para pakainin sya, andito pa rin sya sa ospital. Hindi na ko magtataka kung bumaba ang grades ko, hindi na rin kasi ako nakakapasok dahil binabantayan ko si Prince.

"Ayaw ko."

"Prince naman."

"Mamatay din naman ako, princess." Nanlumo ako dahil sa narinig ko, hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mata.

"Prince naman oh. Lumaban ka *sniff* naman, sabi mo *sob* ma-mahal mo ko diba? Patunayan mo, labanan mo 'yang sakit mo." Nagumpisa nang magunahan sa paglabas ang mga luha ko.

"Wala na ko o tayong magagawa.".

"Prince, wag ka namang sumuko agad."

"Oo na po, kakain na." Sabi nya habang nakangiti, niyakap ko sya ng mahigpit.

Lord, please. Wag niyo po syang kunin sakin, hindi ko po kaya pag nawala sya.

"I love you Prince. I love you. I love you."

"I love you more."

------

Dalawang linggo na ang lumipas at sa bawat araw, dama ko ang sakit na nararamdaman ni Prince sa mga ini-inject sa kanya. Unti unti na rin syang pumapayat, awang awa ako sa kanya, wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, idagdag pa ang madalas na pag-iisip ko sa huling pag-uusap namin ni sungi--Drake. Dumating na rin ang mga magulang ni Prince kaya may kasama na akong magbantay.

"Kesha," Lumapit sakin ang nanay ni Prince.

"Bakit po?"

"Thank you so much, iha. Sorry, sorry kung pinaghiwalay namin kayo noon ni Prince. Kung alam ko lang na ganito ang ma-mangyayari." Nagsimulang umiyak si tita, niyakap ko sya at sinabing ayos lang. Natutulog ngayon si Prince.

"Iha, pwede ba kong makiusap sayo?"

"Sige po."

"Wag na wag kang aalis sa tabi nya, sayo lang siya humuhugot ng lakas para lumaban. Please iha, nagmamakaawa ako sayo. Wag mo syang iiwan."

"Tita, kahit hindi nyo po ipakiusap, gagawin ko po, mahalaga po sakin si Prince."

"Salamat."

--------

Bibisitahin ko ngayon si Papa matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakauwi. Buti at nasa bahay sya at wala sa office.

"Papa,"

"Kesha, how are you?"

"O-okay lang po ako. Kayo po?" Hindi. Hindi na ata ako magiging okay.

"You have to know everything."

"Ano pong ibig mong sabihin?"

"About you and Drake."

"Sorry pa, but I'm not interested."

"Anak..."

"Pupunta na po ako sa kwarto ko," Naglakad na ko papunta sa kwarto ko, nakasalubong ko si Drake at nagkatinginan kami sa mga mata, pakiramdam ko bigla akong nanghina, ngunit pinilit kong ipakitang matatag ako at hindi ko sya pinansin kaso, hinablot nya ang braso ko.

"Ano bang problema mo?!" Hindi sya sumagot at kinaladkad ako papunta sa kwarto nya.

"Bitawan mo nga ako! Pupunta na ko sa kwarto ko."

"Hindi ka aalis dito hangga't hindi ko sinasabi." Pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa sobrang lamig ng boses nya. Itinuloy ko pa rin ang paglakad paalis ng kwarto nya, nung nakahawak na ko sa doorknob, hinablot na naman nya ang braso ko.

"Ano ba!" Sabi ko at pilit na tinatanggal ang braso ko sa kanya. Nagulat ako nung yakapin nya ko ng sobrang higpit.

"Bi-bitawan mo ko!! Nagpupumiglas ako pero sobrang higpit ng yakap nya kaya hindi ako makawala. Hindi sya nagsasalita at nakayakap pa rin sya sakin. Ilang beses rin akong nagpumiglas kahit hinang hina na ko dahil sa ginagawa nya, ang lakas nya masyado kumpara sakin.

"Na-na miss kita, sobra." Hindi ako sumagot. Na miss ko din sya pero hindi na nya kailangang malaman pa. Tuluyan na kong nakawala sa pagkakayakap nya.

"Wala akong panahon para makipag lokohan sayo. Sa larong 'to, matagal ka ng game over at hindi kita hahayang mag replay." Paalis na sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko, "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Okay, sige. Kung kaya mo *smirk*" Arg! Shemay! Nakakaasar! Sobra. Ginamit na naman nya yung nilalagay nya sa kamay nya para hindi kami maghiwalay.

"Tanggalin mo to! Maliligo ako, tatlong araw na kong hindi nakakaligo." Totoo 'yun. Sa sobrang pagbabantay ko kay Prince, wala na kong panahong maligo.

"Talaga? Grabe, coincidence, apat na araw na kong di naliligo." Nagpipigil lang akong dagukan sya.

"Heh! Tigilan mo nga ako! Tss."

"Magpapaliwanag na ko, akala ko kasi--blah blah blah blah." Hindi ko maintindihan 'yung sinasabi nya dahil tinakpan ko ang tenga ko. Wala akong panahong makinig sa isang manloloko. "Pangit naman! Nakikinig ka ba?"

"Nope."

"Aist!" Isinuklay nya ang mga daliri nya sa buhok nya. "Maligo na nga tayo." Hinila nya ko papunta sa cr ng kwarto nya.

"O-oy! Wa-wag mo kong isama, shemay ka! Tigilan mo ko. Tanggalin mo na 'to >////<" Angal ako ng angal kaso nakarating na rin kami sa cr.

"Gusto mo pa ba ako maghubad sayo? *smirk*"

"Gu-gusto mo mamatay? Tigilan mo nga ako." Magwa-walk out na sana ko habang tangay sya kaso...

"Ikaw na lang maghubad sakin." Sabi nya.

"Tigilan mo nga ako! Bahala ka sa buhay mo. Tss." Lalabas na talaga ko ng cr kaso, ngunit, subalit, pero, ang epal nya talaga =_=

"Natatae ako." Ano daw? =_= Papatayin ko talaga 'to, pigilan nyo ko.

"ANO?! IKAW 'TONG NAGLAGAY NITO SA KAMAY NATIN TAPOS NATATAE KA?! SHEMAY! ARG!"

"Hindi ko na talaga mapigilan eh."

"Kadiri ka! KADIRI!" Umupo sya sa toilet habang ako nakatalikod at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko pati na rin ang mabahong amoy sa ilong ko. Huhuhu.

"Ho-hoy! Wag ka ngang umire! Nakakadiri ka talaga!"

"Pinapatawa ka lang eh. Hahahahaha! Hindi ka ba nahihirapan tumalikod? Pwede mo namang tignan." Uwaaaaaaaah! Shems, huhuhuhu T﹏T Ako ata ang mauunang mamatay dahil sa pinagsasasabi ng lalaking 'to.

"Lagot ka talaga sa'kin mamaya, maghanda ka na! Ugh! Puputulin ko 'yan!"

"Hala! Sige ka, magagalit 'to. Hahahahaha."

"YUNG ULO MO KAKO PUPUTULIN KO!!!!" Maloloka na ko ︶︿︶

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon