Chapter 44

138 3 0
                                    

"Prince! Prince! Asan ka ba?" Kanina ko pa sya hinahanap, nandito na ko sa labas ng building pero wala pa rin sya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya ulit kaso nagri ring lang at hindi nya sinasagot. Tinawagan ko ang isa sa mga kabarkada nya.

Sya: Oh, Kesha?

Ako: Peter, asan ka?

Sya: Andito ako sa ospital, binabantayan ko yung mom ko. Bakit?

Ako: Kasama mo ba si Prince?

Sya: Hindi eh.

Ako: Alam mo ba kung nasan sya?

Sya: Hind---teka, teka. Si Prince ba 'yun?

Ako: Ang alin?

Sya: May lalaki kasing lumabas ng ospital at tingin ko si Prince yun.

Ako: Saang ospital yan?

Sya: Saint Luke's

Ako: Sige papunta na ko. Salamat.

--Call ended--

Anong ginagawa nya sa ospital? Sumakay ako sa taxi at pumunta doon, sinalubong ako ni Peter at sinabi nya kung saan nya nakitang lumabas si Prince.

"Uhm, miss, may nakita po ba kayong lalaking ganto katangkad tapos maputi at--"

"Yung gwapo po ba ma'am?"

"Ah. Eh. Opo."

"Sa room 143 po." Kala ko ba kalalabas lang nya ng ospital? Hay nako! Bahala na nga. Pumunta ako sa room na sinabi nung nurse.

Pagkabukas ko ng pinto...

"Kesha? Anong ginagawa mo dito?"

"Pa-papa, namali lang po ng room." Pagdadahilan ko. "Sige po, aalis na ko."

"Teka, anak."

"Bakit po?"

"Pwede bang ikaw muna ang magbantay sa kanya?" Ang tinutukoy nya ay ang lalaking nakahiga pero nakatalikod sa akin. "Kailangan ko kasing pumunta sa isang bussiness meeting at walang magbabantay sa kanya."

"Si-sige po." Ngayon lang naman humingi ng request sakin ang totoo kong tatay kaya siguro, dapat pagbigyan ko.

"Natutulog pa sya pero pag nagising na sya tawagin mo yung nurse."

"Ano po bang sakit nya?"

"He attempts suicide." O____O Nanlaki ang mata ko. Grabe naman tong lalaking to. Malaki siguro ang problema nito sa buhay. "Isa sya sa mga anak nung babaeng nakilala ko." At umalis na si papa.

Umupo ako sa gilid ng kama. Ang boring naman dito. Kaantok. Natulog muna ko.

Maya maya, may naramdaman akong gumagalaw sa buhok ko. Iminulat ko ang mata ko at itinaas ang ulo ko.

Shemay! Sheteng puso to! Napaka bilis ng tibok. Matagal na panahon na rin ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Su-sungit."

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon