Chapter 23

168 4 0
                                    

Kanina pa ko hikab ng hikab dito sa kotse ni sungit. Pano ba naman, 3am pa lang ginising na nya ko para sa field trip. Excited much si sungit. Anyway highway, 5am yung call time at 4:30 na ngayon.

"Matulog ka muna, pangit." Hindi na ko sumagot, pinikit ko na lang ang mata ko. Kahit naman hindi nya sabihin, matutulog pa rin talaga ko.

Minulat ko ang mata ko at natagpuan ko ang sarili ko na nasa loob na ng bus. Hahaha si sungit talaga, ang sweet. Tinignan ko yung may ari ng balikat na sinasandalan ko habang natutulog kanina, ang himbing ng tulog ni sungit. Hihi. Si sungit naman ang isinandal ko sa balikat ko, mukhang pagod na pagod sya. Sya rin kasi ang naghanda ng kailangan namin sa field trip.

"Ang pogi talaga nya."

"Oo, grabe."

"Sana ako na lang si Kesha."

"Gosh. Ang swerte nya."

Nag bubulungan na naman ang mga kasama namin sa bus at sigurado akong dahil kay sungit yun.

Hindi ko sila pinansin at nagpatugtog na lang ako sa ipod ni sungit. Akin yung isang earphone at kanya yung isa.

Kinuha ko yung tab ni sungit at nag facebook. Hihi may dala kaming pocket wifi. Sobrang ready diba?

Nag online ako sa fb (ui, napapadalas XD) May isang message, tinignan ko yun at sobrang nanlaki ang mata ko. Pansin ko, lagi na lang bumibilis tong tibok ng puso ko. Mukhang kailangan ko ng magpa check up.

'Prince Kean Scott: My princess, I miss you. So much. :( I love you always and forever.'

January 1 pa nung sinend nya sakin to at ngayon ko lang nabasa. Haist. Kelan ko kaya sya ulit makakausap? Umidas! Bigla na lang may pumasok na ideya sa utak ko. Kinuha ko ang cp ko na ngayon lang nagka load. Bago ang sim ko dahil binili to ni sungit kasabay ng phone.

Itinype ko na ang number ng prinsipe ko. Halos lumundag ang puso ko ng mag ring ito. Bawat ring, feeling ko unti unting lumalabas ang puso ko sa katawan ko. Tiloy tuloy ang agos ng luha ko, mabuti na lang tulog na ang mga kasama ko.

Narinig kong may pumindot sa kabilang linya.

'Sya: hello?'

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon