Chapter 11

237 8 0
                                    

[Princess Kesha's POV]

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Umaga na pala. Andirito ako sa condo ni Prince. Kabisadong kabisado ko na ang lugar na to. Isang malaking himala na walang makulit na isip bata ang gumising sa akin. Hmm. Baka naman tulog pa? Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakita kong 11am na ng umaga. Imposibleng tulog pa sya. 7am kung magising yun, dahil nakasanayan namin sa eskwela. December 31 na pala ngayon kaya new years eve na mamaya. Hay nako. Siguro hindi na sya nag abalang gisingin ako dahil alam nyang napagod ako. Ang sweet talaga ng prinsipe ko. Pupuntahan ko na sya at sasabihing mahal na mahal na mahal ko sya, take note; in a romatic way. Hihihi.

Una kong pinuntahan ang kusina ngunit wala ni bakas ng Prinsipe doon. May nakahain na pagkain sa lamesa, napangiti ako. At ang taray ng prinsipe, may note pang nalalaman.

'Good Morning my Princess. Kainin mo to okay? Mahal na mahal kita.'

"Mahal na mahal rin kita." Para akong baliw na kausap yung sticky note hahaha. Ang arte talaga ng isang yun, may note pang nalalaman eh sigurado naman ako na baka nasa sala o kaya kwarto nya yon.

Pumunta ako sa sala pero wala sya doon. Hindi rin magulo ang sofa. Pumunta ako sa cr, pero wala rin sya. Huling pinuntahan ko ang kwarto nya.

Wow ah. Maayos ang kama na para bang hindi nagalaw. Sa side table ng kama nya ay may nakita akong cd tapos sa ilalim noon ay may sulat. Anong trip nya? Hay nako. Binuksan ko na lang ang sulat at sinimulang basahin, habang unti unting nababasa ang sulat dahil sa mga luhang tumutulo galing sa mata ko.

'Prinsesa ko,

   Mahal na mahal na mahal kita. Siguro habang binabasa mo to, nasa france na ako. Wag mong kakalimutan na may isang Prince Patrick Scott na sobrang gwapo, may 6 pack abs at napaka humble na lalaki ang dumating sa buhay mo. Panuorin mo yung cd, hindi ko na kasi kayang isulat pa yung ibang sasabihin ko. I love you.'

Nanginginig ako habang inilalagay sa DVD ang CD na hawak ko.

Bumungad sa akin ang gwapong mukha ng mayabang kong prinsipe. Pagkakita ko pa lang noon, lalong lumakas ang hagulgol ko.

"Prinsesa ko *fake smile* Gusto ko sana na ikaw ang makasama ko habang buhay kaso wala eh. Sana mahanap mo na yung lalaking mamahalin ka at mamahalin mo rin ng sobra. Lagi lang akong andito para sayo. Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Kita" Pagkatapos nyang sabihin yan ay kinuha nya ang gitara nya at nagsimulang mag strum...

Now Playing: Sayo by silent sanctuary

Umiyak lang ako ng umiyak buong araw habang paulit ulit na plina-play ang CD.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon