Chapter 5

294 7 0
                                    

"Hey! Long time no see." Bati samin ni nina pagkadating nya sa tapat namin.

"Hello!" Sagot ko habang si prince naman nakatingin lang kay nina at ngumiti ng awkward.

Sino si nina? Sya lang naman ang kaisa isang ex girlfriend ng bestfriend ko. Hindi lang sya ex dahil minahal at I think eh mahal na mahal pa rin sya ni Prince. Ang sakit diba? Nagmumukha akong extra sa mag ex na nagkita ulit tapos yung tinginan pa nila, parang sila lang ang nakakakita sa isa't isa. Gusto kong sabihin na 'Hi! Nage-exist po ako.' Kaso syempre pinigilan ko ang sarili ko. Masakit man sa damdamin ko pero...

"Excuse lang guys ah. May-may ano may bibilhin lang ako." Tumango sila sakin at ngumiti na lang ako sa kanila. Fake smile.

Buntong hininga lang ang ginagawa ko habang palayo sa kanila. At nung medyo nakalayo na ko, lahat ng nangingilid na luha ko, bumagsak. Aray lang. Akala ko pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Pero sa titig nya pa lang kay nina, alam kong dapat wag na akong umasa. Selos...

Alam ko may karapatan akong magselos. Kahit sino mayroong karapatang magselos, the point is, hindi natin kayang ipaglaban.

--*

[Prince Patrick's POV]

"I still love you." Walang paligoy ligoy na sabi sakin ni Nina. Bakla man pakinggan pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Gantong ganto ang nararamdaman ko noong kami pa. Pero ngayon, hindi dahil mahal ko sya. Takot ako, natatakot akong baka pagkatapos naming mag usap ni Nina, umiwas na sakin ang babaeng mahal ko.

"Sorry." Tanging nasabi ko at tumalikod na ko papunta kay Princess.

"No. Please." Hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.

"Hindi na kita mahal."

"Prince---"

"Don't you dare call me prince." Ang prinsesa ko lang ang may karapatang tumawag sakin nyan.

"Patrick, please I'm so sorry sa nagawa ko. Patawarin mo na ako. Ibalik na lang natin ang dati. Mahal na mahal pa rin kita. Sorry kung nakipag break ako sayo."

"Wala na kong pakialam sa lahat ng sasabihin mo." Inalis ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin.

"Pat--"

"Enough!"

"I love you."

"I said Enou---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinila at hinalikan.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon