Chapter 22

197 6 0
                                    

Sasagutin ko na sana yung call nang bumukas ang pinto at hinablot sakin ni sungit ang phone nya. Ginamit nya yung duplicate key ng kwarto.

"Pangit na, pakialamera pa." Hindi na ko nakasagot sa pang aasar nya, nakatulala pa din ako, iniisip kung totoo ba o halucination ko lang ba yung nakita ko kanina.

"Huy pangit. Ayos ka lang?"

"O-oo." Siguro dapat wag ko muna syang komprontahin, dapat muna akong mag imbistiga.

-------*

Nandito ako ngayon sa room habang si sungit, naghihintay sa labas.

"Okay class. I hope naintindihan nyo na lahat about sa fieldtrip natin. Any questions?" Sabi ng teacher namin sa harap. Nagtaas ako ng kamay dahil may itatanong ako.

"Yes Kesha?"

"Uhm. Ma'am pwede po bang magsama ng outsiders?"

"Good question. Yes, sure. You can invite your friends and other relatives to join us but they need to pay. Yung babayaran naman nila is kasinghalaga lang ng babayaran nyo."

"Thanks ma'am" Napangiti ako ng maisip kong makakasama ko si sungit sa field trip kaso napawi din agad ang ngiting yon ng maalala ko si Prince. Asan na kaya sya? Malapit na ang valentines, dapat sya ang ka date ko eh. :(

"If there's no other questions and concern, you may now leave." Lumabas na ko ng room at pumunta sa direksyon ni sungit.

Paglabas namin ng school, dala nya ang motor nya.

"Gala tayo, sungit."

"Wag na. Baka akalain pa nila pinapasyal ko aso ko." Binatukan ko sya ng malakas. Ang lakas manlait. Hmp!

"Aray! Ang sadista mo!"

"Heh! Kainis ka kasi!"

"Oo na nga. Ipapadyal na kita, chuchu." Binatukan ko ulit sya. Ang lakas nya talaga mang asar, grabe.

"Aw! Ano na naman? Pft. Hahaha."

"Ewan ko sayo! =_="

"Paano naman napunta ang ewan mo sakin? Hahaha."

"Ha-ha-ha. Dami kong tawa, mga tatlo." Napa poker face naman sya dahil sa wakas, nakaganti din ako. Muntik pa ko malaglag sa motor nung paandarin nya ito ng mabilis kaya naman humawak ako sa balikat nya.

"Sa bewang ko ikaw humawak." Utos nya.

"Hu. Ayaw ko nga! Chansing ka lang eh. Pft." Tama naman ako diba? Hahahaha

"Bahala ka ngang malaglag dyan."

"Bahala talaga ak-- waaaaaaaah!" Pano ba naman bigla nyang hinarurot kaya wala na kong nagawa kundi yumakap sa kanya at pumikit. Feeling ko ngayon na ang huling araw ko. Huhuhu

Nung huminto na kami, nakita kong nasa tapat kami ng isang ospital.

"Luh. Anong gagawin natin dito?"

"May pupuntahan tayo." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok ng ospital. Wala akong kahit na anong ideya kung bakit kami andito.

Huminto kami sa isang kwarto, bubuksan nya sana yung pinto kaso napailing sya at hinila ako ulit papasok ng elevator.

"Hui! Bakit hindi tayo pumasok dun?" Ang tinutukoy ko ay yung kwarto kanina.

"Na-nagkamali kasi ako ng room, hindi na pala naka confine doon yung pupuntahan natin."

"Eh saan na tayo pupunta ngayon?"

"Para hindi masayang yung byahe natin, nuod na lang tayong sunset sa rooftop ng hospital." Sabi nya na nakapag paalala sakin kay Prince. Hays.

[King's POV]

Hindi pa ngayon ang tamang panahon. Sorry, pangit. Ang selfish ko.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon