Chapter 6

317 10 0
                                    

[Princess Kesha's POV]

Nanunuod lang ako sa kanila sa malayo. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Nina. Nkaramdam ako ng inis. Sobrang pagka inis. St the same time, masakit. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko na rin ang pag-init ng dalawang pisngi ko, may tumutulo na pa lang luha galing sa mga mata ko.

"Alam mo miss, baka rebound ka lang." Napatingin ako sa babae na hindi ko namalayang katabi ko na pala at nakatingin din kung saan ako nakatingin. Pagkatapos nyang sabihin ito, umalis na sya. Hindi ko na nagawang tignan pa sila at tumalikod na ako para umalis.

Siguro nga, panakip butas lang ako. Bakit ba kasi ako umasa? Nakalimutan kong hindi nga pala ako yung mahal niya. Na hindi naman talaga ako ang nauna. Masaya sya pagkasama ako, ramdam ko naman yon pero hindi yun sapat para mahalin nya ako.

--*

[Prince Patrick's POV]

Agad ko syang tinulak. Napasalampak na lang sya sa sahig. Wala na akong pakialam kahit nakatingin na ang mga tao sa amin.

"Tigilan mo na ako. Pwede ba?" Nakasigaw at galit na galit na ako sa kanya. Paano kung nakita iyon ni Princess? Tinignan ko sya at papalayo na sya sa amin. Aist. Nasuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang kamay ko sa sobran sobran frustration. Ang sarap murahin netong babaeng nasa harap ko na nakatayo na mula sa pagkakabagsak nya. Nakangisi sya habang nakatingin rin kay princess. Paalis na sana ako nung nagsalita pa sya.

"Kahit anong gawin mo, sa akin ka pa rin mapupunta sa huli. Mag enjoy ka ah *smirk*" Hindi ko na lang pinansin ang kung anomang kalokohang pinagsasasabi niya at umalis na ko para sundan ang Prinsesa ko.

[Princess Kesha's POV]

"Sorry." Hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Huh? Bakit ka naman nagso sorry dyan?" Wala namang 'tayo'.

"Ah. Basta. Tara na nga sa mall." Nasa tapat na rin naman kami ng mall, pero parang nawalan na ako ng gana.

"Uwi na lang tayo."

"Huh? Ano ka ba naman Princess. Nandito na tayo oh." Sabi nya sa akin ng nakangiti na para bang walang nangyari kanina lang.

"Tara na, umuwi na lang tayo. Tinatamad na ako."

"Please, my princess." Naka pout at puppy eyes na sabi nya sa akin. Hays. Pano ko pa matatanggihan ang isang to.

"Sige na nga!" Pagsuko ko.

Pumasok na kami sa mall. At una naming nasalubong ang grupo ng mga babaeng kasing edad namin na nakatingin kay Prince habang kinikilig. Malalandi -_-

Hay nako. Lalo akong nabwibwisit. Ingungudngod ko mga mukha nito kasama ng higad na mukha ni Nina eh. Mga makakati -_- Kaya nag break si Nina at prince ay dahil sa pagiging malandi ni Nina, nakakita lang ng mas gwapong lalaki kay prince eh nakipagbreak agad sabay sabing 'I fell out of love' Biruin nyo yun, akala ko ang higad nasa halaman lang, yung pala nakakapagsalita na nakakalandi pa. Ang harsh ko XD

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon