Chapter 10

259 9 0
                                    

Natahimik ako at natulala sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halos yung tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko. Medyo madilim na rin ang paligid. Gusto kong sabihing oo, kaso natatakot akong masaktan. Natatakot ako na baka pagbalik ni Nina, ako na naman ang maiwan na mag isa. Gusto kong lumaban pero alam kong talo na ako. Hindi ako sigurado kung sinasabi nya ba to dahil mahal nya talaga ako o dahil wala si Nina ngayon.

"Sorry Prince." Nakatungong sabi ko, ayaw kong ipakita sa kanya na malapit ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"A-ano ka ba Princess. Ayos lang sakin." Ngumiti sya, pero dahil kabisadong kabisado ko na sya, alam kong fake smile yon. 

"Patawarin mo ko. Mahal din kita kaso--" Sasabihin ko na sanang mahal ko rin sya pero natatakot akong masaktan, na rebound lang ako, kaso pinutol nya ang sasabihin ko.

"Ssshh. Okay lang kahit hanggang bestfriend lang ang pagmamahal mo sakin." Hinawakan nya ang baba ko at itinaas ang mukha ko. Nung nakita ko ang maamo nyang mukha, nagtuloy tuloy na ang agos ng luha ko. Pinunasan nya ang dalawang pisngi ko gamit ang hinalalaki nya at saka ako hinalikan sa ulo. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya. Gusto kong bawiin, gusto kong sabihin na oo, mahal ko sya. Mahal na mahal.

Nung naramdaman ko na niyakap nya ako pabalik, naisip ko na kailangan kong makipagsapalaran, wala na kong pakialam sa mangyayari kahit masaktan pa ako. Tama, sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

"*sniff* Prince---"

"Sssh. Stop crying my princess. Pagod ka na siguro noh? Matulog ka na muna." Isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya. Hindi ko alam pero I feel so safe. Parang ngayon ko lang naramdaman yung pagod at antok. Ipinikit ko ang mata ko, alam ko magiging ayos rin ang lahat. 

--*
[Prince Patrick's POV] 

Masakit. Nakakabakla man sabihin pero kanina pa ko nagpipigil ng luha ko. Ang sakit lang na hanggang bestfriend lang talaga ang turing nya sa akin. Binuhat ko na sya at sumakay kami sa taxi. Mahimbing pa rin ang tulog nya. Pinagmamasdan ko lang sya. Parang anghel pag tulog pero amazona pag gising. Hahahaha! 

"Mahal na mahal mo yang nobya mo iho no?" Napatingin ako sa taxi driver na nagsalita.

Nobya. Sana nga girlfriend ko sya.

"Opo. Sobra." Sagot ko habang nakatitig pa rin sa mukha ng babaeng mahal ko.

"Bagay na bagay kayong dalawa. Sa nakikita ko eh parang hindi na kayo maaring mapaghiwalay pa." Sana. Sana nga po hindi na kami maghiwalay pa. Ngumiti na lang ako bilang sagot, dahil ngayong araw na to. Ang araw ng paghihiwalay ng landas namin.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon