Chapter 51

146 4 0
                                    

Nakatulala lang ako habang nagbabantay at hininhintay si Prince. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to. Next week pa makakapunta dito ang parents ni Prince.

"Prinsipe ko." Hinawakan ko ang kamay nya. Mahimbing pa rin syang natutulog. Kahit namumutla sya at medyo pumayat, makikita pa rin ang kagwapuhan nya, inosenteng inosente. "Hindi mo ko iiwan diba? Lalaban ka para samin diba?"

"Prinsesa ko." Nagsalita sya at unti-unting minulat ang mata nya. Niyakap ko sya ng sobrang higpit habang umiiyak na parang bata.

[Prince's POV]

'Sorry iho pero, hindi nagagamot ang sakit mo'

Halos gumuho ang mundo ko ng malaman kong may sakit ako.

--Flashback--

Nandito ako ngayon sa bahay ni Nina  dahil ang gusto ng mama ko ay sabay kaming pumunta sa airport.

"Let's go?" Yaya nya sakin. Lalakad na sana ako papunta sa pinto nang makakita ako ng pasa sa braso ko. Matagal na kong nakakakita ng ganito sa iba't ibang parte ng katawan ko. Binaliwala ko ito at inisip na baka may nadunggo akong bagay ng hindi ko napapansin. Habang nasa kotse, gusto ni Nina na mag cr para umihi, malayo pa ang gas station at sakto namang nasa tapat kami ng isang ospital.

"Sumama ka na kasi sa loob!"

"Ayoko! Wag ka ngang makulit."

"Samahan mo lang ako."

"Kaya mo nang magisa.",

"Psh! Nakakaasar ka! I hate you!" Padabog syang pumasok sa ospital.

Nakatambay lang ako dito sa labas ng kotse ko habang inaantay si Nina na sobrang tagal.

Is He Really My Kidnapper? Or My Lover? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon