HIS: 02

118K 3.2K 1.2K
                                    


Hindi ko pa nadidikit ng mabuti ang tainga ko sa pinto para sana pakinggan ang nasa loob kaso bigla itong bumukas kaya muntikan tuloy akong dumiretso papasok ng office.

"Ah. Haha!" iyon lang ang sinabi ko at peke akong tumawa "Ikaw kaya ma-late ng gising tignan natin kung makapasok ka ng maaga," mahinang saad ko na ako lang ang makakarinig.

"Are you saying something, Ms. Belarde?" tanong niya sa akin.

Kailangan ba talaga english? Papahirapan pa ata ko nito. Hanggang kailan kaya ako tatagal sa kaniya? Baka kasi laging magka-menstruation ang ilong ko sa kaka-english niya.

"You don't care!" sagot ko naman na ikinakunot ng noo at ikinalaglag ng panga niya. Tatanga-tanga ka na naman self, mapapahamak ka talaga dahil d'yan sa katangahan mo self, baka tuluyan na talaga akong alisin nito.

Kailangan kong makaisip ng paraan, hindi ko kasi alam kung anong dapat isagot sa tanong niya kaya 'yon ang nasabi ko saka gano'n lang ang alam kung mga english, eh. "I don't care . . ." dagdag ko pa mas lalo s'yang nainis dahil nakita ko ang panlilisik ng mata niya. "e. e. e .e. e. Uh I don't care . . . you don't care. PH Care!" pag-iiba ko sana effective yawa nakakatakot palang magalit 'to.

". . . Hehe. Galing kong kumanta 'no, Sir?" saad ko pa sabay peace sign.

"You're out of your mind," umiiling s'yang pumasok sa opisina niya na napabuntong-hininga naman ako.

"Muntikan ka na ro'n, Gian! Minsan kasi mag-isip ka rin!" Pangaral ko sa sarili ko kaso "Wala pala akong isip," matamlay na dagdag ko pagka-realize ko no'n.

Okay lang, at least kung ikukumpara ang utak ko kay Made, sa akin 7 out of 10 habang sa kaniya 3 and ¾ out of 10, may ¾ pa 'yan ah. Minsan napapaisip ako baka sa math talaga ako matalino, hehe.

"What are you doing? Kailan ka pa nagsimulang kausapin ang pinto?" napatalon ako sa gulat ng bumalik si Sir, kausap ko kasi ang sarili ko sa harap ng pinto.

Napaka-pakialamero naman nito!

"Anong pake-ilangan mo, Sir?" ayan ka na naman Gian, 'di ba kailangan mo munang mag-isip bago magsalita, malilintikan ka na talaga n'yan.

"Coffee, ice tea, or me-me-lon." gosh! masisiraan na talaga ako ng ulo dito, ba't ba kung ano-ano nasasabi ko sa lalaking 'to. Nababasa ko lang naman kasi ang mga post na gano'n sa facebook, e. Tignan mo 'yan pati facebook ipapahamak ako.

"You," asik niya sa akin. "I need you!" dagdag niya pa kaya napakurap-kurap ako. Ano raw? si Sir naman masyadong atat umamin. Oo na, alam ko na maganda ako pero masyado kang speed Sir. Ayaw maagawan ha? Sorry Sir pero may pila, do'n ka sa pinakalikod.

Sabagay guwapo naman siya, may pagka-tigre nga lang pero p'wede na.

"Po? Pumapayag na ako, Sir!" diretsong sagot ko, 'di na ako magpapaka-hard to get 'no! Grasya na kusang lumalapit sa akin magiging choosy pa ba ako? Syempre hindi na.

"Anong pumapayag? Kahit 'di ka pumayag wala kang choice kasi trabaho mo 'yon!" sermon niya naman.

"Alin po?" paglilinaw ko, 'yong pagiging girlfriend ba ang tinutukoy niya? Kasama pala 'yon sa trabaho ko na maging girlfriend niya. Luh, ngayon ko lang nalaman.

"I said. I need you inside my office. It's your job Ms. Belarde, now answer the fucking phone," oo bobo ako sa english pero nakakaintindi ako. Akala ko pa naman magiging girlfriend na niya ako ang tinutukoy niya pala ay kailangan niya ako sa loob para sagutin ang tumatawag.

"Eto na po, Sir. Sasagutin na." Sagot ko sa kaniya at patakbong lumapit sa table niya. Nagdalawang-isip pa ako kung alin ang kukunin do'n. Nakapatong kasi sa mesa niya ang phone niya at ang telepono, sabi niya kasi 'answer the fucking phone' pero telepono 'yong tumutunog, bobo din pala si Sir sa english.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon