HIS: 49

60.9K 1.7K 657
                                    

“Gian, are you still there? Please. We need you, Zayne needed you. I will message you the address, just come here when you change your mind. We desperately need you so much! I am really sorry.”

Matapos ‘yon ay pinatay na niya ang tawag. Nanlulumo ako na muling bumalik at naupo sa couch.

“What happened?” tanong ni Cali sa akin ng mapansin niya sigurong problemado ako.

Nag-aalangan ko naman s’yang nilingon. “Nasa hospital si Zayne. Tumawag sa akin ang kaibigan niya. Ayaw daw ni Zayne kumain, kumausap kahit sino sa kanila, at kahit mismo sa doctor. Tumawag siya para humingi ng tulong sa akin, ‘di ko alam ang gagawin, Cali,” pagkuwento ko sa kaniya.

“Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong pumunta,” sagot naman ni Ele. “Hindi ka rin namin pipigilan kung nanaisin mo na pumunta ka, ang sa akin lang siguraduhin mo na ‘yong gagawin mong desisyon ay ’yong ‘di mo pagsisisihan sa huli.”

“Katulad ng ginawa niyo kay Gian?” napatanga ako kay Cali matapos n’yang sabihin iyon. Tinignan ko naman si Ele na napayuko samantalang si Kylie ay napatingin sa ibang direksiyon at habang si Made ay inosenteng nagkakalikot sa phone nito.

“Yes! Exactly. I admit it. Tama si Cali, katulad ng nagawa namin. Kahit nakahingi na kami ng tawad sa ’yo, kahit pinatawad at tinanggap mo na kami sa buhay mo, nandito pa rin sa loob ko ’yong guilt. Nandito pa rin sa akin ’yong pagkainis ko sa sarili ko. Kung bakit ako umabot sa ganito? Bakit napakakitid ng utak ko? Sising-sisi pa rin ako sa nagawa ko matapos ang lahat. Kaya Gian, kung ano man maging desisyon mo sana ay ’di mo pagsisisihan sa buong buhay mo dahil ang hirap-hirap. Ang hirap pagsisihan na mismong sa sarili mo ay magtatanim ka na ng galit,” pagtanggap naman ni Ele sa kasalanan niya.

“I admit it, too. I’m sorry for hurting you, I’m sorry for not understanding you, I’m sorry for my mistakes, I’m sorry for not being a good friend, I’m sorry for my greed. Not just that, I’m really sorry, and I mean it. Likewise, I know I’ll never deserve your acceptance, but I sincerely want to apologize until I also forgive myself,” kita ko sa mata ni Kylie ang sinsero niyang paghingi ng tawad. Ramdam ko ang pagsisi siya habang binibitawan ang mga salitang iyon. “I learned that, the tongue is like a sharp knife, it kills without drawing blood. Which means, don’t mix bad words with your bad mood. You’ll have many opportunities to change a mood, but you’ll never get an opportunity to replace the words you spoke,” pagpapatuloy ni Kylie at sa pagkakataong ‘to, masaya ako para sa kaniya dahil alam niya kung saan siya nagkamali at natuto siya mula ro’n.

“Before you act, listen,” sinundan naman ito ni Cali, “Before you react, think. Before you spend, earn. Before you criticize, wait. Before you pray, forgive. Before you quit, try,” sobrang hanga ako kay Cali, sa lahat ng sasabihin niya ay naro'n palagi ang punto nito at palaging may dating.

“K-kahit alin ang piliin ko, ang hirap eh,” baling ko kay Cali. Mas lalo akong naguluhan kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung pupuntahan si Zayne o hahayaan na lang?

“You will know the right decision when you pick the hardest and most painful choice but your heart is at peace,” sagot sa akin ni Cali. Natauhan ako sa sinabi n’yang ‘yon, kaya naman mas pinili ko na lang na puntahan si Zayne.

Hindi man bukal sa akin na gawin ‘to, ito lang ang magagawa ko para isalba siya. Ayokong magsisi sa huli, ayokong ako ang nakokonsensya sa huli, ayokong ako ang sisihin, ayokong ako ang mali. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan kaysa ako ang makasakit ng iba.

Sakto namang dumating na ang message mula sa kaibigan ni Zayne na nakalagay sa message kung saang hospital dinala si Zayne. Nag-atubili na akong pumunta ro’n, gusto pa sana nilang sumama pero ako na ang tumanggi, kaya ko naman na ‘to, ‘di na lang sila nagpumilit.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon