"H-Hindi! H-Hindi ako naniniwala, Zayne! S-Sinasabi mo lang 'yan para lubayan na kita. Sinasabi mo lang 'yan para makaganti ka sa nagawa ko. S-Sinasabi mo lang 'yan dahil may nagawa akong mali. Sinasabi mo lang 'yan dahil nasasaktan ka. N-Na dahil nasaktan kita. Pero alam kong mahal mo 'ko," hindi ko matanggap ang sinabi n'yang 'yon kaya pinagpipilitan kong mahal niya ako.
"Hibang ka na, Ms. Belarde? Hindi kita minahal. Kung iniisip mong minahal kita para sa anong dahilan naman, ha? Walang kamahal-mahal sa 'yo kaya walang dahilan para mahalin kita!" sa bawat salitang binibitiwan niya ay katumbas ng isang saksak sa dibdib ko ang idinudulot nito.
"Pero hindi 'yon ang pinaparamdam mo no'ng mga araw na ayos pa tayo, Zayne! Nadadala ka lang sa sitwasyon, galit ka lang kaya mo 'yan nasasabi. Sigurado akong mahal mo 'ko, alam ko 'yon, ramdam ko!" wala akong magawa kung 'di ipagpilitan na mahal niya ako. 'Yon kasi ang nararamdaman ko. "Alam kong darating 'yong araw na pababalikin mo 'ko sa kompanya mo, kasi alam kong kailangan mo 'ko, alam kong mahal mo 'ko!" dagdag ko pa.
"Gumising ka na sa katotohanan na hindi na 'yan mangyayari. Gusto mong isampal ko sa 'yo ang totoo? Naisip ko lang noon na paglaruan ka dahil alam kong madali ka lang paikutin. Madali ka lang utuin. At 'di ako nagkamali dahil alam kong makukuha ko rin ang gusto ko sa 'yo. At 'yon ang katawan mo, Gian. Katawan mo lang ang habol ko sa 'yo. Ginamit lang kita para makuha ko ang gusto ko na kusa mo namang binigay. Hindi kita minahal, hanggang parausan lang kita, kaya tumigil ka na," pilit kong binabalewala ang lahat ng 'yon, sinusubukan kong isantabi ang sakit sa bawat salitang nanggagaling sa kaniya. Kahit sobrang sakit ng mga ito ay piilit kong kinakaya, kung ganito ang kabayaran sa kasalanang nagawa ko ay handa akong masaktan, handa akong madurog.
H'wag lang mawala si Zayne.
Parang kinain ko rin ang sinabi kong handa akong lumayo kay Zayne dahil gusto ko na maging masaya siya kahit hindi na ako ang dahilan no'n. Gusto kong maging masaya siya kahit makalimutan na niya ako. Ang mahalaga ay 'yong ikakasaya niya. Dahil ang totoo, gusto ko ay sa akin pa rin siya sasaya. Gusto ko ako pa rin ang dahilan sa bawat pagngiti niya. Gusto ko sa akin niya pa rin sasabihin ang mga salitang nagpapakilig sa akin. Gusto ako pa rin ang gusto niya sa kabila ng lahat.
"Kung gano'n, handa akong maging parausan mo ulit, handa akong magpagamit sa 'yo. Handa akong maging libangan mo, Zayne. Kahit saktan mo 'ko ng paulit-ulit, okay lang. Paiyakin mo 'ko kahit ilang beses, okay lang. Sabihin mo lahat sa akin lahat-lahat ng gusto mong sabihin kahit gaano pa 'yan kasakit, maiintindihan ko, kakayanin ko. H'wag mo lang sabihin at iparamdam sa akin na hindi mo 'ko mahal, h'wag mo lang akong iwan. Hindi ko kakayanin, h-hindi ko kaya," masyado man akong desperada sa lagay na 'to, wala na sa akong pakialam do'n. Handa akong sumagal, handa ako sa mga magiging kapalit nito. H'wag lang siya ang mawawala. Hindi ko talaga kaya.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at walang pasabi na bigla ko siyang hinalikan sa mga labi niya. Natigil siya sa ginawa ko pero hindi siya gumaganti sa paghalik ko hanggang sa itulak na niya ako.
"Stop doing that, Gian! Maawa ka sa sarili mo, isinusuka ka na nang tao pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo!" saad niya pagkatulak sa akin, hinang-hina na ang katawan ko kaya pilit ko nalang nilalakasan ang loob ko.
"Bigyan mo 'ko ng isang rason para tigilan ko na 'to! Bigyan mo 'ko ng dahilan para lumayo na ako sa 'yo. Bigyan mo 'ko ng patunay na hindi mo talaga ako mahal para ako na ang kusang susuko. Isa lang, Zayne, oh?" hindi ko inisip ang magiging resulta ng tanong kong 'to sa kaniya. Mukhang susugal na naman ako sa panibagong sakit na idudulot nito.
"Hindi pa rin sapat ang mga sinabi ko kanina?" tanong niya na pekeng tumatawa. "Fine! My ex-girlfriend and I . . . are in a relationship again. I still love her and she loves me too. So stop it, you don't make sense to me anymore!" matapos n'yang sabihin 'yon ay agad na s'yang pumasok sa sasakyan niya at mabilis na pinaandar ito paalis.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...