HIS: 06

88K 2.7K 1K
                                    


“Puwede rin namang si Zayne na lang. Magpapakalayo pa ba ako? Eh, mayroon namang mas madali at malapit,” dagdag ko pa. Ganito ata talaga ako kabangag pagkagising. “Pero ayaw ko pala sa kaniya dahil sa kadamutan niya. Gusto ko lang naman makita si pencil, kahit ‘yon lang ay pinagdadamot niya pa sa akin. Paano na lang kapag pumatol ako sa kaniya tapos magiging mag-asawa kami baka pagdamotan niya pa akong magkaanak.

“Hey, wake up!”

“Yes, baby. Nand’yan n-opo, Sir!” nabigla ako sa sinagot ko, paano ba naman ay nag-d-day dreaming pa ako bigla na lang s’yang kakatok tapos magsisisigaw. Nadulas tuloy ang bibig ko, wala pa naman ‘tong kapreno-preno.

Kumakamot ako sa mata ng buksan ko ang pinto, nakita ko naman kung paano siya magpigil ng tawa.
“A-Anong n-nakakatawa, Sir?” nag-aalangang tanong ko sa kaniya pero may hint na ako, narinig niya kaya ‘yon?

“Nothing,” simpleng sagot niya na iminuwestra niya ang kamay papunta sa hagdan, pinapauna niya akong bumaba, iyon siguro ang ibig-sabihin niya.

“Breakfast is ready, baby.”

“Thank you, bab-ebibobu!” sinamaan ko s‘yang tingin, ang lakas niya kasing mang-asar, kay aga-aga, eh.

Naghilamos muna ako sa banyo kalapit ng kitchen pagkatapos ko ro’n ay niyaya na niya ako sa mesa para kumain. Nagulat pa ako ng makita ang mga nakahain sa mesa, natakam tuloy ako bigla.

“Yogurt for you and green tea for me,” inabot niya sa akin ang isang basong yogurt pagkatapos ay humigop naman siya sa tea niya.

Pinagkiskis ko pa ang dalawa kong kamay habang pinagmamasdan ang mga pagkain. “Waah! Nakakatakam naman! Ikaw nagluto nitong lahat? Ang dami naman!” namamanghang tanong ko sa kaniya.

“Yeah. I woke up earlier than usual to prepare our breakfast,” nagmamalaki n’yang wika.

“Waaah! Ang sweet mo naman, ang swerte siguro ng mapapangasawa mo, Sir. Gwapo na nga mukhang masarap pa . . . magluto,” kinikilig ko pang sagot. Natawa naman siya sa sinabi ko.

May pumpkin waffles s’yang niluto, no’ng una ‘di ko alam na pumpkin pala ‘yon kung hindi niya sinabi, hindi mawawala ang scrambled eggs siyempre kahit saan naman siguro ay laging may itlog. Mayro’n ding bacon, avocado and apple smoothie, cinnamon rolls, red velvet pancakes, baked berries french toast and sausage-egg-avocado salad. Itsura pa lang ng mga niluto niya ay nakakatakam na.

“Marunong ka pala magluto bakit ‘di mo sinasabi?” reklamo habang ngumunguya ng pancake.

“You didn’t ask,” tipid nitong sagot na muling humigop sa inumin n’yang green tea. Sabagay, oo nga naman.
“You should try this.” Nilagay niya sa plato ko ang salad na niluto niya.

“. . . It’s healthy, it’s good for your brain!” makahulugan pa s’yang ngumusi ng bahagya, bigla tuloy akong napatitig sa kaniya, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napansin pero ba’t parang sa araw-araw na nakakasama ko siya, pag’wapo siya nang pag’wapo. Kapag ngumingiti siya ng bahagya ay mas gumaganda ang features niya.

Na-awkward ako bigla ng titigan niya rin ako pabalik at nang kagatin niya ang ibabang labi niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin, ano ba itong nangyayari sa akin para akong ewan. “Eat your food now, baby!”

“Opo, bab—sir! Ano ba ‘yan, Sir! Stop calling me baby!” asawa na lang para raawr, joke. Hindi tuloy ako mapakali, siguro’y pulang-pula na ang pisngi ko sa pinagsasabi niya.

“Ikaw ang nauna,” ngumuso pa siya para pigilang matawa.

“Wala pa ako no’n sa tamang huwisyo, Sir. H’wag kang assuming!” katwiran ko naman.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon