HIS: 37

46.7K 1.5K 628
                                    


“I hate how Ele protect that bullshit! I mean, para sa kaniya ikaw ang nagmumukhang sinungaling. Naturingang kaibigan pero hindi man lang maasahan kapag kailangan,” reklamo pa nito habang nasa biyahe kami.

“Okay lang ‘yon. Hindi naman natin sila mapipilit na maniwala sa akin, kailangan ko munang may patunay baka sakaling maniwala na sila.”

Halos gabi nang makahanap kami ng condo, hirap kasi kami kung saan puwede kaya halos maubos ang limang oras namin sa paghahanap. Mayroon pang ilang condo owner na hindi kami pina-rent dahil nakilala nila ako. Ang dahilan nila ay ayaw nilang magalit ang ibang renter.

Nag-drive thru na lang din kami ng pagkain kasi ‘di naman kami makakapagluto.

“Paano pala ang trabaho mo?” tanong sa akin ni Cali na sumusubo ng pagkain.

Napaisip muna ako bago siya sinagot “Papasok pa rin ako bukas, gusto kong ayusin ang sa amin ni Zayne. Kung maaaring gawin ko lahat ay susubukan ko para lang patawarin niya ako at h’wag n’yang paalisin sa kompanya.”

Pagkagising ko naligo na agad ako, mabilis rin akong kumilos dahil plano kong pumasok ng maaga. Papasok din si naman si Cali kaya halos sabay lang din kaming nagising at umalis papasok.

“Good morning, manong guard!” sinubukan ko maging okay ang awra na hindi halatang pilit ang tawa ko. Kahit mahirap ay kailangan kong kayanin, nandito na ‘to, eh. Sana lang talaga kayanin ko pa.

“Morning, ma’am,” matamlay na bati sa akin ni kuyang guard, ito ang unang pagkakataon na ganito ang bungad niya sa akin. Sa itsura n’yang ‘yon ay mapapansin ko na kaagad na may mali. Matimbang pa rin sa reaksyon niya ang lungkot at kitang-kita sa mata niya ang awa. Pilit na lang akong ngumiti at nagpaalam na lang sa kaniya na didiretso na ako sa taas.

“Ma’am Gian,” nakakaisang hakbang pa lang ako ng muli akong tawagin ni kuyang guard, nilingon ko naman ito na pilit pa rin ang ngiti sa mga labi ko.

“Yes po kuya guard? May sasabihin po ba kayo? Kailangan po?” usisa ko.

Napakamot naman ito sa ulo bago nagsalita. “Ah ano, wala po  Ma’am, nakalimutan ko na po hehe,” saad niya na parang may pinipigilang sabihin.

“Sure po?” pangungulit ko.

“Opo, Ma’am,” naglakad na ako ulit pagkasabi niya no’n. Habang naglalakad ako ay sari-saring bulungan ang naririnig ko.

“Ba’t pumasok pa ‘yan dito?”

“Ang lakas naman ng loob n’yang magpakita rito.”

“Siguro no’ng nagpaulan ng kakapalan nang mukha nasa bubong siya.”

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na kunwareng ‘di naririnig ang usap-usapan nila. Ngunit sa bawat paghakbang ko ay ramdam ko ang bigat ng atmosphere dito. Pakiramdam ko ay sa ‘kin nakatingin ang lahat ng mga mata nila, na parang gamit lang ang mga mata nila ay sinasaksak ako nito isa-isa.

Hindi ko kinakaya ang presenya nila, mas gugustuhin ko na lang na lamunin ako ng sahig kaysa sa ganito.

“Sinayang niya lang ang ganda niya para sa kalandian.”

“Akala ko pa naman matino ‘yan, may tinatago rin palang kati sa katawan.”

“Kung ako sa kaniya ‘di na ako magpapakita dito.”

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon