“Nandito ba sila para iligtas ako? Ba’t magkasama si Zayne at Cali?” tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan sila na naglalakad.
“Fuck it! Sino naman ‘tong kasama ni Zayne?!” galit na sigaw ni Meanna na ang ipinupunto ay si Cali.
“Don’t worry, kakampi natin siya!” bwelta sa kaniya ni Zayne ng tuluyan na itong makalapit.
Dismaya akong lumingon kay Cali, nanunubig ang mata kong umiiling-iling sa kaniya.
“H-Hindi ‘to totoo ‘di ba?” pilit kong tanong sa kaniya dahil umaasa akong hindi kayang gawin ‘to sa akin ni Cali. “Hindi ka nila kasabwat ‘di ba?” dagdag ko pang tanong.
“I’n sorry, Gian . . .” tulala akong nakatitig kay Cali hanggang sa tuluyan akong nanlumo matapos ko ‘yong marinig mula sa kaniya
“P-pati ikaw nagpanggap din? Niloko mo rin ako? Takte naman! Ikaw na lang ang kinakapitan ko, ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko, ikaw na nga lang ang mayroon ako ngayon, Cali! Pati ikaw trinaydor mo rin ako? Sa simula pala ng laban kong ‘to ay wala talaga akong kakampi! Lahat kayo nagsinungaling sa akin!” sumbat ko kay Cali. “Nasaan na ‘yong sinabi mong kapag hindi naniwala sa akin ang lahat ay nand’yan ka para sa ‘kin? N-Nasaan na ‘yong sinabi mong hindi mo ‘ko hahayaang mag-isa sa mga problema kong kagaya nito? Ang daya mo, Cali! Ang daya-daya mo! Hindi ka tumupad! Nagsinungaling ka sa akin! Niloko mo ‘ko!” dagdag ko pang daing sa kaniya.
“Psh. Your dramas too damn much, girl!” maarteng sita ni Tamarind sa akin, kung Tamarind man ang pangalan niya. May sarili silang mundo ni Tammy na mukhang nagtatalo.
“Ano pang hinihintay mo, Andrius?!” napalingon ako sa tatay ni Zayne matapos nitong sumigaw. Lumapit naman si Zayne sa tatay niya at kinuha nito ang hawak-hawak na baril ng tatay niya. “Ngayon mo ‘ko pahangain sa ’yo, Zayne Andrius!” maawtoridad pa nitong dagdag kay Zayne.
Walang ano-ano’y humarap sa akin si Zayne at unti-unting inangat ang baril paharap sa akin. “Zayne! Anong gagawin mo?” nalaglag ang panga kong sigaw ko rito.
“Zayne! Ano ‘to?! Wala ‘to sa usapan natin!” kinakabahan naman akong napalingon kay Cali. Anong usapan? Anong pinag-usapan nila.
“Sinabi ko bang paniwalaan mo ‘ko?” sarkastikong tugon nito.
“Hayop ka, Zayne! Kaya mo ba talagang gawin ‘yan kay Gian?” dagdag pa ni Cali na galit na galit. Ibig-sabihin ay may ibang napag-usapan si Cali at Zayne, ano naman ‘yon? “Mahal mo si Gian, Zayne! H’wag kang magpalamon sa galit mo, sa paghihiganti mo! H’wag mo ’yan gagawin kay Gian. Baka pagsisihan mo lang ‘yan, Zayne!” pilit sa kaniya ni Cali.
“Gawin mo na ang dapat mong gawin, Andrius. H’wag kang magpapabilog sa babaeng ‘yan. Kompanya ang nakasalalay dito. Mamili ka! Buhay ng babaeng ‘yan o ang kompanya?” tugon pa ng tatay ni Zayne sa kaniya.
“Gian!” patakbong lumapit sa akin si Cali para harangan ako, hindi ko na maintindihan ang nangyayari, litong-lito na ako.
“Ops! Halika rito!” patuloy sana sa pagharang sa akin si Cali na pilit pa akong niyayakap ng hilaan siya ni Meanna sa buhok kaya naman ay napaatras siya lalo pa’t may hawak din na baril si Meanna. Pilit s’yang lumalaban kay Meanna pero hindi niya magawa lalo pa’t mas lalong hinila ni Meanna ang buhok niya na napapasigaw pa siya.
“Iputok mo na, Andrius!” muli akong napalingon sa tatay ni Zayne. “Bilis!” dagdag pa nito na atat na atat.
“Hindi puwede!” pilit na sigaw ni Cali. “H-Hindi mo siya puwedeng patayin Zayne dahil buntis si Gian! Buntis si Gian!” pagsabi ni Cali ng totoo.
Nanlaki naman ang mata ni Zayne na nakatitig sa akin habang nanginginig ang kamay niya.
“Huwag mo sabihing maniniwala ka Zayne sa babaeng ‘yan! Niloloko ka lang n‘yan, nililito ka lang para h’wag mong ituloy. Maniwala ka sa akin, gawin mo na ang dapat mong gawin kay Gian!” sulsol ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
Fiction généraleR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...