“Anong ibig mong sabihin, Sab?” tanong ko pa rito na napayuko naman siya dahil do’n.
“H-Hindi ako si Sollaire, hindi ako ang kapatid ni Zayne. Ginawa ko lang kung anong inutos sa akin ni Meanna. Sorry, Ate,” paliwanag niya sa akin na hindi ko pa rin maintindihan.
“Hindi ganito ang usapan natin, Meanna!” baling ni Sab kay Meanna. “Wala ‘to sa plano!” dagdag niya pa.
“T-Teka! Anong plano?” naguguluhan kong tanong.
“Ang sabi mo magpapangap lang ak—”
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at inunahan ko na siya. “Niloko mo lang ako? Kunwari ka lang na bait-baitan ha, Sab? Gano’n ba ‘yon?! B-Bakit mo ‘yon nagawa, Sab?!” namamaos kong sigaw sa kaniya. “Lahat ba ng pinakita mo sa akin na katauhan mo ay peke lang? ‘Yong pag-comfort mo sa akin, ‘yong pagyakap mo sa akin, ha?! Gawa-gawa mo lang ba ‘yon?! Gawa-gawa niyo lang! Bakit ka nakipagkampihan sa mga ‘to? Ano bang mapapala mo sa kanila?” sunod-sunod kong tanong na nanggagalaiti ako sa galit.
“A-Ate, binantaan po ako nila na may gagawin silang masama kay tita kapag hindi ako pumayag sa gusto nilang mangyari. Ginamit nila ang kahinaan ko para magawa ang plano nila.”
“Nagpagamit ka man o hindi ang punto dito niloko mo ‘ko. Pinaniwala mo ‘ko sa pagiging mabuti mong tao kahit hindi naman pala talaga. Tatanggapin na sana kitang kapatid, Sab! Gusto na rin sana kita maging kapatid dahil sa kabutihan mong pinakita sa akin. Palabas niyo lang pala ang lahat. Lahat kayo ay pinapasok ang buhay ko para saktan ako, gaguhin at lokohin ako! Ano?! Masarap ba sa pakiramdam?! Sanay na sanay kayong saktan ako, eh ‘no?!” pagsabi ko ng mga hinanakit ko.
“How about the macarons? Nagustuhan mo ba?” tanong ni Meanna na bakas ang pang-aasar.
Masama ko s’yang binalingan ng tingin. “Napakasama mo! Dahil sa ’yo nakagawa ako ng isang bagay na ngayon ay kinamumuhian sa akin ni Zayne. Dahil sa ’yo ay nagkasira-sira kaming magkakaibigan. Napakawalang-kwenta mo! Ano bang rason mo para gawin sa akin ’yan, ha? May gusto ka ba kay Zayne? Malalaman din ni Zayne ang totoo, malalaman din ng mga taong nagalit sa akin ang totoo. Tandaan mo ‘yan!”
“Yon nga lang kung maniniwala pa sa ’yo si Zayne. Masarap naman ’yong macarons ‘di ba? Naubos mo nga eh, ‘yon nga lang wrong move ‘yong pagsawsaw mo sa chocolate.”
“Anong ginawa mo?” agad-agad na tanong ko.
“Pinatakan ko lang naman ng supplement ‘yong chocolate dip ng macarons na naging way para makaramdam ka ng init sa katawan kaya naman hindi mo talaga makokontrol ang sarili mo para makipagbakbakan ka. Mabuti na lang ay nando’n si Brecken, hindi ka nahirapan maghanap ng kakabayuhan. Magaling ba si Brecken? Well, halata naman sa mukha mo habang pinapanood ko ‘yong video na sarap na sarap ka,” paliwanag niya, nagpupumiglas ako sa pagkakatali ko dahil kanina ko pa gustong-gusto na kalbuhin si Meanna kung may pagkakataon lang ako.
“Paalisin niyo na kami rito, Meanna! Ang sama mo, hindi ka sumunod sa usapan!” sigaw ni Sab kay Meanna. “Ate, please? H’wag ka pong magalit sa akin, please?” pamimilit sa akin ni Sab.
“Bakit hindi? Kahit sabihin mong hindi mo ginusto, kahit sabihin mong pinagbantaan ka nila, ginawa po pa rin. Paniwalang-paniwala nga ko sa galing mong umarte ‘di ba? Tapos sasabihin mong h’wag akong magalit sa ‘yo? Ang lakas mo ring mag-demand, eh ‘no,?!” tugon ko sa kaniya na napayuko na naman siya sa pangalawang pagkakataon. “Kung sana sinabi mo kaagad sa akin no’ng may pagkakataon pa, kung sana umamin ka bago ‘to nangyari, hindi sana tayo aabot sa ganito!”
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...