HIS: 24

64.2K 1.7K 399
                                    


Hindi natuloy ang pagpunta namin ni Zayne sa Cebu dahil may inconvenience daw at i-r-reschedule na na lang sa ibang araw ang event.

Buong week ay naging busy lang ako sa trabaho ko, binawi ko ang araw na wala akong pasok at ang dalawang araw na absent ako. Kapag may free naman akong oras ay nagpapa-therapy ako, kahit may pasok ay nagpapaalam ako kay Zayne na pupunta ako sa therapist, wala namang kaso ‘yon sa kaniya kaya pinapayagan niya ako. May araw din naman na siya mismo ang sumasama sa akin kapag hindi hectic ang schedule niya.

“Tuloy na tayo sa Cebu,” lumipas pa ang ilang araw bago nakatanggap si Zayne ng email mula sa event organizer, pinakita pa niya sa ’kin ang laptop niya. Nilapitan pa niya talaga ako rito sa mesa ko para ipakita lang ‘yon.

“Mabuti naman,” sagot ko habang nag-c-compile ako ng mga papers, buti na lang ay patapos na rin ako. “As in bukas! agad-agad?” tanong ko sa kaniya. November 23 na ngayon at bukas na ang event.

“Sigurado ba ‘yan? Masyado namang funny kung sino man ang event organizer d’yan,” nagtataka kong reklamo. “Ba’t ngayon lang binigay? Ano bang akala niya sa atin si flash na may superpowers o power puffs girl para makarating kaagad do’n, hahanapin ko talaga kung sino man ‘yan!” naiinis ko pang dagdag.

“Easy, there’s no impossible for me, Gian,” malaki ang tiwala sa sariling tugon naman ni Zayne.

Maaga akong pinauwi ni Zayne para makapag-prepare pa raw ako pagkatapos ay susunduin na lang niya ako dito sa bahay.
Bandang ala-sais ng dumating siya sa bahay, hinntay na niya lang ako sa labas ng bahay lalo pa’t nagmamadali na kami para maabutan ang flight.

“Ingat, Gian! H’wag kang magpapakapagod, ah? Kumain ka ng tama sa oras,” habilin sa akin ni Tammy na hinatid ako sa may gate pero hindi na siya lumabas, nakakahiya raw kasi sa boss ko.

Sakto namang paglabas ko ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Zayne sa kotse, magkatabi kami sa likod dahil pinagpa-drive niya lang ang sasakyan niya sa isa sa mga kaibigan niya since may na-book na s’yang flight papuntang Cebu. Hindi niya p’wedeng iwanan lang sa parking ng airport ang sasakyan niya kaya nagpa-drive na lang siya sa kaibigan niya na ngayon ko lang nakita ang pagmumukha.

“Hi! You’re Zayne’s secretary ‘no?” saglit na dumungaw sa akin ang lalaki na ini-start na ang sasakyan. Bakit lahat ng kaibigan ni Zayne maitsura? Ito ‘yong kaibigan niya na masyadong malinis tignan, ‘yong tipong masyado siyang malinis sa katawan. Maski sa panunuot niya, haircut, ay halata ang pagiging good boy niya. Simple s’yang manamit pero malakas ang dating, lalo pang dumagdag sa kagwapuhan niya ng pagngiti n’ya ay labas na labas ang pantay-pantay n’yang mapuputing ngipin.

“Yes po,” tipid na sagot ko dito.

“Haha. You’re so cute,” natatawang wika pa nito.

“Magmaneho ka na lang, Chaos. Male-late na kami sa flight!” reklamo naman ni Zayne sa kaibigan niya.

“Excited ka lang na masolo ‘yang secretary mo, eh.” Pabalang na sagot naman nito.
“What’s your name, Miss Secretary?” pagkakuwa’y baling at tanong nito sa akin.

“Gianna Belarde.” hindi na ako nagpakilala ng buo. Tanging first name at apelyido na lang ang sinabi ko sa kaniya total nagrereklamo ang iba sa haba ng pangalan ko.

“Chaos Villarreal,” pagpapakilala din nito pabalik. “Encantada de conocerte,” dagdag pa nito bago pinaandar ang sasakyan.

“Ano raw?” si Zayne na ang tinanong ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi ng kaibigan nito.

“A spanish words of nice to meet you.” spaniard pala ang kaibigang ‘to ni Zayne kaya pala kakaiba rin ang awrahan ng mukha.

Bandang 7:40pm na kami nakarating sa airport, mayroon na lang kaming bente minutos na natitira para habulin ang flight, pa-easy-easy lang si Zayne na parang walang pake kahit ‘di namin maabutan ang flight. ‘Di ko alam kung bakit kailangan niya pa akong isama, eh wala naman ata akong maitutulong do’n. Ano ako display lang? Taga-dala ng mga gamit niya? Ulol niya.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon