“Okay ka lang po, Ate?” tanong nito sa akin ng mapansin niya akong tulala na nakatitig sa papel na ‘yon.
“A-Ano ang buo mong pangalan?” tanong ko sa kaniya na kabang-kaba pa rin.
“Sollaire Abrielle Javier po,” banggit naman niya sa buong pangalan niya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko, sumabay pa ang pagbilis lalo ng pagtibok nang puso at paninikip ng dibdib ko. Paano ba naman ay nabanggit na ni Zayne no’n na tatlo silang magkakapatid. Silang tatlo rin ay iba-iba ang nanay at si Sab, si Sab ang tinutukoy ni Zayne na Sollaire kung ‘di ako nagkakamali.
“Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang tatay mo?” dagdag ko pa dito na binalik ko na sa kahon ang sticky note. Sinubukan ko rin halukayin ang laman no’n para maghanap kung sakaling may picture man lang o kaya pangalan ng tatay niya pero bigo ako dahil puro sulat lang ang mayroon do’n.
“H-Hindi po, eh,” saktong pagkasagot ni Sab ay pumasok naman ang tita niya.
“Tita! Hindi niyo rin po ba alam kung sino ang tatay ni Sab?” walang hiya-hiya ko nang kinapalan ang mukha ko para magtanong sa kaniya.
“Walang nabanggit ang nanay niya, hija,” walang alinlangang sagot nito. Tumango naman ako at simpleng ngumiti.
“Bakit, Ate? May problema po ba?” nagtataka na si Sab sa mga kinikilos ko.
“Kasi . . . Sigurado akong kilala ko kung sino ang tatay mo,” pag-amin ko sa kaniya.
“T-Talaga po, Ate?” gulat na tanong nito.
“Basta sigurado akong kilala ko ang tatay mo, gusto mo bang makita siya?” suhestiyon ko.
“Opo! Gusto ko pong makita, Ate!” pagkasabi niya ‘yon ay niyaya ko na s’yang puntahan ang tatay niya kahit ‘di ko alam kung saan. Susubukan na lang namin muna sa kompanya ni Zayne, tatanungin ko si Zayne about sa tatay niya kung nasaan ito. Ginagawa ko ito para kay Sab, hindi ako lalapit sa kaniya kung hindi lang dahil dito.
“Tara na.” Nagmamadali kong kinuha ang kamay niya para hilain na agad naman s’yang sumunod. ”Mauna na po kami, Tita!” paalam ko dito, parang nag-aalala naman s’yang tinignan si Sab, napansin ko na habang papalabas kami ay pabalik-balik ang paglingon ni Sab sa tita niya.
Lumabas na kami ng iskinita nila, kaunti na lang ay paliko na kami patungo sa may coffee shop kung saan naka-park ang sasakyan ko ng hilain niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad.
“A-Ate, kinakabahan po a-ako,” halata naman sa pagsasalita niya ang kaba habang hinihila ako.
“H’wag kang kabahan, karapatan mo rin naman na makilala ang tatay mo,” katwiran ko sa kaniya, napansin ko pa ang pamumutla niya.
Nagtataka ako matapos n’yang maging balisa at pagiging aligaga, maging ang kamay n’yang nakahawak sa akin ay nanginginig din. “B-Balik na l-lang po tayo Ate sa bahay n-namin.” Dagdag pa nito na hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya.
“Ha? Hindi, h’wag ka mag-alala. Ako bahala sa ’yo,” pilit kong pagpapalakas ng loob niya.
“Tara na po, Ate. Balik na lang po tayo sa bahay.” Pamimilit pa niya na mas namutawi ang kaba sa mukha niya.
“Sayang ang pagkakataon, Sab. Ito na ang araw na matagal mong hinintay. Sayang, Sab eh,” sermon ko sa kaniya, imbes makinig siya sa akin ay mas nataranta siya, nanumutla na rin ang mukha niya kaya tuluyan na akong nag-alala. “Ayos ka lang ba, Sab?” pagkatanong ko n’yan sa kaniya ay bigla na lang may sasakyan na tumigil sa harap namin kaya napalingon ako ro’n, kulay black ang van na ‘yon.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
Ficción GeneralR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...