Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Wala na ako ibang magawa kung 'di ang lumuha nang lumuha, sa ngayon ay ito na lang ang kaya kung gawin.
Sobra akong nasasaktan, sobra-sobra na ang sakit na pinaparanas sa akin. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng maging okay ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa akin si Zayne.
"A-Ate, oh?" napatingin ako sa harap ko ng may magsalita ro'n, bumaba ang tingin ko sa kamay n'yang may inaabot sa aking panyo, tinignan ko muna siya pabalik sa mukha niya.
Bahagyang nakangiti ito sa akin at mahahamigan sa itsura niya na nahihiya siya. Dahan-dahan ko namang inabot ang panyong hawak-hawak niya. "Thank you, uhm . . ." 'di ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya.
"S-Sab na lang po," sagot nito, mala-anghel ang boses niya sa tuwing magsasalita siya ay magandang pakinggan lalo pa't parang anghel ang ayos niya.
Simula sa pananamit niya, simpleng datingan niya, sa paraan ng pagsasalita niya, sa tipid n'yang pagkilos at may pagkamahinhin na lalo pang nakakadagdag ang mukha n'yang walang bakas ng kahit anong make-up na pampaganda, ang ganda niya kahit walang nilalagay na kung ano-ano sa katawan.
"Thank you ulit, Sab," saad ko sa kaniya pagkatapos no'n ay sinimulan ko nang punasan ang paligid ng mata ko, napansin ko naman na naupo siya sa tabi ko.
"Alam mo ba Ate, no'ng nag-aaral pa ako may isang taong nakapagsabi sa akin na mas okay daw po na umiyak kaysa maglabas ng galit," ani niya sa akin kaya napatitig ako sa kaniya at hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "It's better to cry than being angry because anger hurts others while tears flow silently to the soul and cleans the heart," kinukuwento niya iyon na puno ng emosyon ang bawat salitang bibigkasi niya.
". . . Hayaan mo lang po na tumulo ang mga luha mo, hayaan mo lang na patuloy sa pag-agos ang mga luha mo dahil habang tumutulo iyan ay kasabay n'yan ang paggaan ng pakiramdam mo. Kaya mas pinipili ko na lang na umiyak ako kaysa magalit ako dahil nasasaktan ko 'yong mga taong 'di naman dapat. Nagagawa ko 'yong mga bagay na hindi naman dapat. Nakakapagbitaw ako ng mga salitang hindi ko inaasahang sa akin pa manggagaling."
"Siguro ang suwerte ng mga magulang mo sa 'yo," tugon ko pagkatapos n'yang magsalita.
"Po?" parang gulat n'yang saad sa akin, siguro'y napansin n'yang nabigla rin siya sa pagkasabi niya kaya mahinhin s'yang yumuko na kagat ang ibabang labi niya.
"Ang suwerte siguro ng mga magulang mo dahil may anak silang katulad mo," pag-uulit ko.
"Ah . . ." sagot naman n'yang tipid na tumango. "Wala na po akong magulang, e," matapos n'yang sabihin 'yon ay natigil ako at tulalang napatitig sa kaniya, hindi ko inaasahan 'yon na sa kaniya manggagaling.
"S-Sorry," pagkaraan ng ilang segundong katahimikan ay humingi ako ng paumanhin sa kaniya.
"Hala. H'wag po, Ate. Hindi mo po kailangang humingi ng tawad. Wala ka naman pong kasalanan, e," kumikislap ang mga mata niya na parang nangungusap habang dinadahilan 'yon. "Saka hindi po suwerte ang nanay ko sa akin dahil ako po ang suwerte sa kaniya. 'Yon nga lang po ay maaga s'yang n-namaalam," pagkaklaro naman nito sa akin.
"Eh, 'yong tatay mo?" ang sabi niya lang kasi ay ang nanay niya kaya nagtataka naman ako sa tatay niya.
"Tatay ko po?" pag-uulit niya sa tinanong ko na tinanguan ko na lang agad. "H-Hindi ko po alam, e. Wala po akong alam kung nasaan siya saka buhat po ng magkaisip ako ay 'di ko pa po siya nakikita, sa Tita ko na po ako lumaki. Wala naman po nakuwento ang Tita ko sa akin tungkol sa tatay ko ang tanging nasabi lang nila sa akin ay umalis lang daw po ang tatay ko para magtrabaho pero hindi na po kami binalikan ni mama," malungkot n'yang pag-k-kuwento. "Kahit maaga pong nawala si mama ay ramdam na ramdam ko pa rin po ang pagmamahal niya sa akin dahil sa mga sulat na iniwan niya. Do'n niya po pinaramdam ang pagmamahal niya sa akin na hindi niya magawa ngayon. Samantalang kabaliktaran naman po ang nararamdaman ko para sa tatay ko," nag-iba ang tono ng boses niya ng sandaling sabihin niya ang tatay niya.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...