HIS: 48

55.7K 1.6K 962
                                    

“No! I won’t. I want to talk with her,” saad niya pabalik kay Ele na nagmamakaawa ang dating, muli siyang lumingon sa akin na, “Please, Gian? We need to talk,” mahinahong hiling nito.

“H’wag kang makulit, Zayne. Lumayo ka kay Gian, layuan mo siya!” singhal ni Cali sa akin.

“The way you speak. It seems you have done nothing wrong to Gian,” buwelta ni Zayne.

“Excuse me? Para malaman mo, ako lang ang nag-stay sa kaniya matapos niyo siyang iwanan!”

“Wala naman tayong dapat pag-usapan, Zayne,” ako na ang boryong sumagot kaniya na ‘di ko siya pinakitaan ng awa. “Please. Gian. I badly want to talk with you. Please?” lalong pamimilit nito na mas nagmakaawa ang itsura.

“Hindi, Zayne! Umalis ka na. Ayusin mo muna ‘yang sarili mo!” pangtataboy pa sa kaniya ni Cali.

“Gian, please? We need to talk,” hindi pa rin nagpatinag si Zayne na mas lalong nagpupumilit.

“Ayoko, Zayne! Wala na tayong pag-uusapan, mas mabuti pang umalis ka na lang,” pangtataboy ko sa kaniya.

“Gian, kausapin mo ‘ko para sa anak natin.”

“Ano ba, Zayne? Wala kang karapatan dito. Saka ano pinagsasabi mong anak mo? Hindi ‘to sa ’yo. Tumigil ka na!” pagkasabi ko no'n ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa sasakyan, nakaakbay pa rin ako kay Tammy habang naglalakad.

Nang makarating kami sa sasakyan ay muli kong nilingon si Zayne na hawak-hawak ng mga kaibigan niya, sinusubukan niyang magpumiglas dito, pero dalawa ang nakahawak sa kaniya magkabilaan kaya wala siyang kawala.

Sa hospital muna kami tumuloy para dalhin si Cali, para na rin gamutin ang mga natamo kong ilang gasgas.

“Gian . . .” habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Cali nang tawagin ako ni Ele.

“Bakit? May problema ba?” nakangiting tanong ko sa kaniya.

“Puwede bang mag-usap tayo?” pagkatanong niya no’n ay agad naman akong tumango. Niyaya ako ni Ele sa labas kaya si Tammy ang naiwan sa tabi ni Cali.

“Anong pag-uusapan?” tanong ko sa kaniya pagkalabas namin.
“Uhmm . . . Nahihiya ako magsabi sa ’yo dahil sa nagawa ko. Gusto kong humingi ng sorry-”

“Hindi na, ayos lang ‘yon,” hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

“Hindi, Gian. Kahit ayos lang ‘yon sa ’yo ay hindi pa rin ako titigil sa paghingi ng tawad. Alam ko kung gaano ako nagpaka-martyr. Sinarado ko kaagad ang isip ko, ang sarili ko para pakinggan ang paliwanag mo. Nagbulag-bulagan ako para mas paniwalaan ko ang iba kaysa sa 'yo na kaibigan ko,” hinayaan ko na lang na ilabas niya ang mga gusto n’yang sabihin, ‘di na ako nagsalita at hinayaan ko na lang s’yang ipagpatuloy ‘to.

“Imbes na ako ‘yong nandito para sa ’yo, imbes ako ‘yong pumuprotekta sa ’yo, imbes ako ang gumagabay sa ’yo, ako pa ang nang-iwan. Hindi ko inisip ang pinagsamahan natin, naisantabi ko ’yong pagmamahal ko sa ’yo dahil sa pagkakamaling ‘yon na mas pinaniwalaan kong ginusto mo, na kasalanan mo ‘yong nangyari. Pati na rin sa mga salitang binitawan ko sa ’yo, hindi man lang sumagi sa isip ko na lalo kitang nasasaktan dahil do’n. Kaya sorry, Gian,” mahaba niyang pag-k-kuwento, “Sana bumalik na tayo sa dati, alam naman namin na kasalanan namin ‘to kung bakit tayo nagkasira-sira, pati si Made ay binilog pa namin ang ulo niya para ‘di ka paniwalaan, para mainis siya sa ’yo. Hindi sapat ang salitang sorry para sa mga nagawa namin pero sasabihin ko pa rin dahil isa ‘to sa magpapagaan ng dibdib ko.”

“Ayos lang, naiintindihan ko naman kayo, lalo pa’t malaki rin ang epekto no'n sa inyo. Ang akin lang ay nadismaya ako, nasaktan ako. Kayo kasi ‘yong mga inaasahan kong makikinig sa akin, kayo ’yong inakala kong hindi manghuhusga sa akin, at kayo ‘yong inasahan kong maniniwala sa akin. Do’n ako sobrang nasaktan dahil kayo na lang ang mayroon ako, kayo na lang ang natitirang kakapitan ko pero kayo ‘yong unang tumalikod sa akin. Sobrang sakit no’n, buti na lang ay may natira pang nag-iisang kumapit sa akin, naniwala sa akin, dumamay sa akin. Kaya sobra-sobrang pasasalamat ko kay Cali. Siya ang nag-iisang kinapitan ko sa panahong ‘yon na tinalikuran ako ng lahat, tinalikuran niyo ko,” napayuko siya sa sandaling sabihin ko ‘yon, mukhang nasaktan siya, kung tutuusin kulang pa iyan sa naranasan kong sakit. “Pero, h’wag kang mag-alala dahil sa kabila ng lahat nang ‘yon ay mas matimbang ang pagmamahal ko sa inyo, nabahiran man ng dumi ang pagkakaibigan natin hindi magbabago ang pagmamahal ko sa inyo,” bawi ko pa, matapos ‘yon ay bigla na lang akong niyakap ni Ele na agad ko naman ginawaran ng mahigpit na yakap.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon