Special Chapter - E

59.5K 1.5K 493
                                    

“That woman doesn’t deserve your love. You don’t need to waste your time on someone who only wants you around when it fits their needs. Don’t turn a valuable rugby into a priceless gem, Zayne! Stop breaking your own heart by trying to make a relationship work that clearly isn't meant to work. Don’t lose yourself by trying to fix what's meant to stay broken. Do you understand? Now, stop! I will not give your phone back if you couldn’t realize what I mean.” Hindi niya nga binalik sa akin ang phone ko kaya nanahimik na lang ako.

Nang maiuwi nila ako sa bahay ay pinalitan lang nila ako ng damit at umalis na rin sila.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana dahil hindi pala nakasara ang kurtina nito. Napahawak ako sa ulo ko matapos kong maramdaman ang pananakit nito.

Napansin ko pa na iba na rin ang suot ko, kaya naman inisip ko kung ano bang nangyari kagabi hanggang sa maalala ko lahat-lahat, ultimo ang sinabi ni Aiden.

“That woman doesn’t deserve your love. You don't need to waste your time on someone who only wants you around when it fits their needs. Don't turn a valuable rugby into a priceless gem, Zayne! Stop breaking your own heart by trying to make a relationship work that clearly isn’t meant to work. Don’t lose yourself by trying to fix what's meant to stay broken. Do you understand? Now, stop! I will not give your phone back if you couldn’t realize what I mean.”

Makailang beses pa itong pabalik-balik sa isip ko. Habang naaalala ko ito ay lalo lang ako nasasaktan.

Para sa kaniya madali lang sabihin ang mga iyan dahil hindi siya ang nasasaktan, hindi siya ang nahihirapan sa sitwasyon ko, hindi niya alam kung gaano ko pinipilit ang sarili ko na h'wag na akong umasa na magkakaayos pa kami.

Pinipilit kong tiisin siya, pinipilit kong hindi maging mahina sa kaniya, dahil ayoko dumating sa punto na kapag nasaktan niya ulit ako ay ‘di ko na kakayanin. Kaya siguro tama rin naman si Aiden, hindi ko deserve na masaktan ng ganito.

Pero paano ang ikakasaya ko kung si Gian lang ang tanging makapagbibigay no’n?

“Zayne . . .” Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mga emails no’ng pumasok si Gian sa loob ng office ko.

“Ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba talaga titigil? Bakit ba ang kulit-kulit mo?!” saad ko sa kaniya.

“Zayne. Tatanungin kita sa huling pagkakataon! Wala na ba talaga akong pag-asa sa ’yo? Hindi mo na ba talaga ako tatanggapin?” hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa na sabihin sa akin ang totoong pakay niya.

“How many times should I have to repeat it to you? I don’t like you, Gian. I never liked you!” muli kong pagsisinungaling sa pagkakataong ito.

Gusto ko s’yang saktan ngunit ito lang ang paraan na kaya ko, dahil ang hirap makitang nasasaktan siya mismo sa harapan ko.

“Siguro nga hanggang dito na lang ako. Sa kabila ng masasakit na nagawa mo sa akin, sa kabila ng pagtanggi mo sa nararamdaman mo para sa akin, sa kabila ng pangtataboy mo naging totoo ang pagmamahal ko sa ’yo Zayne. Sige, palagi kang mag-iingat, ah? S-Salamat sa ilang buwan na pinagsamahan natin. Salamat dahil tinanggap mo ako rito sa kompanya mo kahit saglit lang,”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya, sumusuko na ba siya sa akin? Handa na ba talaga siyang sukuan ako? Hanggang dito na lang ba?

Nakatitig lang ako kay Gian sa bawat hakbag niya palabas ng opisina ko, ni hindi ko na namalayan ang pagpatak nang luha ko.

Ano bang ginagawa mo, Zayne? Bakit kailangan mong pahirapan ng ganito ang sarili mo? Bakit kailangan mong saktan ang sarili mo? Puwede bang sa pagkakataong ito unahin mo naman kung anong gusto mo? Puwede bang sa pagkakataong ito, gawin mo naman kung ano ang ikakasaya mo?

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon