"Ano 'yong pinapanood mo Brecken?" tanong ko kay Brecken pagkalipas ng ilang minuto na nahimasmasan na rin ako mula sa pag-iyak. "Video ba natin ang pinapanood mo kanina?" dahil pamilyar sa akin ang boses na narinig ko kanina maging ang sinabi ni Zayne kung paano niya nalaman ang patungkol do'n ay nasisigurado kong may kaugnayan iyon sa video na pinapanood ni Brecken.
"Wala iyon, Gian," pagtanggi pa nito na tumingin sa ibang direksiyon, nakaupo siya sa harapan ko na dinadampian ng cold compress ang parte ng labi niya.
"Please, Brecken. Sabihin mo sa akin ang totoo," masuyong pagmamakaawa ko sa kaniya. "Kahit naman itanggi mo ay natitiyak kong tayo ang naroon sa pinapanood mo."
Nagulat naman siya matapos kong sabihin 'yon, "You're right. You're right. Tayo ang nasa video na pinapanood ko kanina. The scandal video was already spread in any social media platforms. I'm sure numerous people have watched it already."
Mabilis ko namang hiniram ang phone niya para panoorin ang sinasabi n'yang video. No'ng una ay ayaw niya pang pumayag pero dahil makulit ako, hindi na siya nakipagtalo pa ng matagal at pinahiram na sa akin ang phone.
Napatakip ako ng bibig matapos kong simulan i-play ang video. Naka-record siya simula sa pagbubukas ko ng macarons mula sa box nito kaya f-in-ast forward ko na lang, do'n na nagsimula ang video sa pagsabi ko sa kan'yang itigil ang sasakyan.
Napapikit ako lalo na't hindi ko kayang makita ang sarili ko na gano'n ang ginagawa ko sa video. Muling bumuhos ang mga luha ko habang umuusad sa pagplay ang scandal namin na 'yon, mabilis kong p-in-ause ito at ipinatong sa ibabaw ng center table.
"Paano ka nagkaroon ng v-video?" namamaos kong tanong sa kanya.
"S-Someone sent it to me," dahilan naman niya na patuloy pa rin sa pagdampi ng ice compress sa mukha.
"Hindi 'yon ang tinutukoy ko, Brecken," sa pagkakataong ito ay nagdududa na ako sa kaniya lalo pa ng makita ko ang muling paglunok niya. "Paano nagkaroon ng video? Tayo lang naman ang naroon sa kotse ko, Brecken!" malakas na ang pakiramdam ko habang nagtatanong sa kaniya.
Pabilis na rin nang pabilis ang pagtibok ng puso ko at ang paninikip ng dibdib ko. "Sabihin mo, Brecken! Paano nagkaroon ng video sa loob ng sasakyan?" hindi sa sinisisi ko siya pero malakas na talaga ang pakiramdam kong may kinalaman siya ro'n.
"S-Sorry, Gian . . ." Totoo nga? Kahit alam ko namang posible 'yon ay nakakagulat pa rin.
"Sabihin mo sa akin, paano mo nagagawa 'yon?!" gusto kong magwala ng tanungin ko siya no'n pero pinipigilan ko dahil gusto kong malaman ang dahilan niya at isa pa ay wala ako sa pamamahay ko."H-Hindi ko alam," katwiran niya na tumayo at lumapit sa akin. "Wala akong plano na gawin 'yon, Gian. Sorry," saad niya pa na balak akong hawakan pero bahagya akong lumayo sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya sa sinasabi niya. "Hindi mo plano pero bakit mo nagawa? Wala kang plano pero bakit kalat na kalat na ngayon, Brecken?" nanghihina kong pag-uusisa sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin, kung anong dapat sabihin o kung ano ang dapat kong maramdaman, punong-puno na ang utak ko at parang hindi ko na kakayanin ang mga nangyayari.
"Naisahan ako, Gian. Ginamit niya ang kahinaan ko para magawa ko 'yon. Importanteng tao ang nakasalalay Gian kaya kailangan kong gawin 'yon at ikaw ang paraan para matupad ang matagal ko nang hinahangad," malaya siyang nagpaliwanag, wala akong gaano maintindihan sa mga sinabi niya, hindi ko siguradong kakayanin pa ng utak ko ang mga nangyayari.
"Sinong siya ang tinutukoy mo?" gusto kong malaman kung konektado ba sa akin ang sinasabi niya dahil sa dinami-rami ay bakit ako ang kailangan n'yang gawan nito?
"Meanna," simpleng sagot niya na binaba na sa center table ang ice compress.
"Meanna?" paninigurado ko kung tama ang pangalang binanggit niya, maamo ang mukha n'yang tumango sa akin. Hindi ko kasi sigurado kung siya ang babaeng nasa isip ko lalo pa't hindi ko tanda ang pangalan nito. "Si Meanna ba na nagbigay ng macarons ang may pakana nito?!" hindi na ako mapakaling malaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...