Akala ko kaming tatlo lang nila Kylie at Cali ang pupunta, nagulat na lang ako na pati sina Ele at Made ay sasama rin.Sasakyan na lang ni Ele ang ginamit namin, mabilis kasing magmaneho si Ele at gusto nilang makapunta kaagad do’n kahit madaling araw na. Ganito sila kasabik na makaharap ang kasambahay ni Aiden.
Since alam na rin ni Ele ‘yong bahay ni Aiden ay ‘di na kami nahirapan. Pagkaraan lang ng bente minutos ay naroon na rin kami. Kaso, hindi kami makapasok sa loob ng subdivision dahil wala raw nag-inform sa guard na may papapasukin ng ganitong oras.
“Aish! Ano nang gagawin natin? Nangangati pa naman ang kamay ko, mukhang gusto na atang makasampal,” reklamo ni Kylie, isa rin siya sa mahilig makipag-away sa aming lahat, naalala ko pa no’ng high school kami ay ilang beses na s’yang napa-guidance dahil palagi s’yang nasasangkot sa gulo pati nga silang dalawa ni Cali ay nagka-away din.
“Balik na lang kaya tayo bukas?” suhestiyon ni Cali sa amin pero walang sumang-ayon sa kaniya, si Made naman ay walang pakialam sa mga nangyayari, seryoso siya sa pinakadulong upuan at kulang na lang ay idikit na niya ang mukha sa phone niya, naglalaro na naman ‘yan panigurado.
“Sasabihin mo sa guard na papasukin kami o wala kang sekretarya bukas? Sagot!” napatingin kaming apat kay Ele ng sumigaw ito bigla, may kausap siya sa kabilang linya.
“Sinong tinawagan mo?” nagtatakang tanong ni Cali
“Boss ko.” naiinis pa rin na tugon nito.
“Attitude ka, Sis? Ikaw pa may ganang mang-utos sa boss mo!” natatawang sita sa kaniya ni Kylie. Sino ba ang boss niya?
Pinagbuksan na kami ng gate kaya muli ng pinaandar ni Ele ang sasakyan, huminto muli siya sa tapat ni Manong at ibinaba na niya ang salamin ng kotse “Tandaan mo ‘tong mukha kong ‘to, Manong guard.” Tinuro pa ni Ele ang mukha niya ng iyon agad ang sinabi niya sa guard. “Simula ngayon ay madalas mo na akong makikita rito,” paliwanag niya pa.
Hindi namin inakalang hindi pa pala tapos ang party sa bahay ni Aiden, akala ko rin kasi ay tahimik na ang bahay nila ng ganitong oras. iyon pala ay nakakabulabog pa rin ang malakas na musika. Siguro marami pa rin ang tao sa loob at natitiyak ko rin na marami na ang lasing sa ganitong oras.
“Dito ka lang sa loob ng kotse, Made, ah?” habilin ni Cali kay Made na tumango lang ang bruha.
Pagkababa namin ay mabilis na nag-doorbell si Cali sa gate, halos ilang segundo na inabot na sa minuto kaming naghihintay sa labas pero wala pa rin nagbubukas kaya tatlong beses ulit pinindot ni Cali ang doorbell.
“Sandali!” sigaw ng kung sino man ‘yon pero parang pamilyar sa akin ang boses no’n.
“Dalian mo, makakatikim ka talaga sa akin!” asik ni Cali rito.
“H’wag kang nagmadali, hindi tatakbo ang bahay na ‘to!” ngayon ay nasisigurado ko ng pamilyar talaga ang boses na ‘yon sa akin, sa paraan pa lang ng pagsasalita na parang may pagkapilyo nahalata ko na.
Pagkabukas ng gate ay tumambad sa amin ang isang kaibigan ni Zayne. Sabi ko na nga ba! Siya talaga iyon!
“Nabitin ka ba sa ginaw-”
“H’wag mo akong kausapin ngayon, Chaeus!” hindi natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng unahan siya ni Cali sa pagsasalita, dire-diretso pa itong pumasok sa loob, medyo nabangga niya pa ang balikat ng lalaki kaya napatagilid ito ng kaunti, sunod-sunod naman kaming pumasok at sumunod kay Cali.
“Sabihan mo lang ako kung gusto mo pa ng round two,” dagdag pa ng lalaki, nakasunod din pala siya sa amin.
“Kapag talaga ako nainis sa ’yo Zacchaeus Jaille, makakatikim ka sa ‘kin!” bwelta ni Cali na napatigil pa sa paglalakad at masamang binalingan ng tingin ang lalaki.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
Ficción GeneralR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...