WARNING : R18+
•••
"Gano'n ba?" paninigurado ko na agad naman s'yang tumango. "Uhm. Salamat!" ani ko pa rito.
"Do you want to go inside? Let's go! Don't worry akong bahala sa 'yo," puno ng galak na pagyaya nito sa akin.
Kung tutuusin ay wala na akong balak na pumasok pa. Ano naman ang gagawin ko ro'n? bukod kay Zayne at sa kaniya wala na akong kilala rito.
Nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis akong napatingin do'n. "Uhm. Thank you, ah pero tumatawag na si Zayne baka nandiyan na 'yon sa labas," saad ko sa kaniya pagkakita sa incoming call kahit hindi naman talaga 'yon si Zayne.
"If that so? Okay, but you should accept this!" pagsang-ayon niya sa akin pagkatapos ay iminuwestra niya ang isang paper bag.
"Para sa akin?" ngumiti siya nang pagkalaki-laki sabay tango sa akin. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko pa.
"That's my favorite dessert, hope you like it. Bye! See you around!" nag-wave pa siya ng kamay at pasimpleng ngumiti bago siya tumalikod, ngumiti na lang ako sa kawalan kahit hindi niya makita, hindi na ako nakatanggi lalo pa't parang nagmamadali s'yang umalis.
Agad akong naglakad palabas ng hotel para sagutin ang tawag.
"Made, bakit napatawag ka?" takhang tanong ko rito, ngayon lang kasi tumawag ang babaeng 'to sa akin."Nasaan ka, Gian?" sagot naman nito sa akin mula sa kabilang linya.
"May pinuntahan lang na event, bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Wala naman. Sabi kasi Ele tawagan kita."
"Iyon lang? Akala ko pa naman may importante kang sasabihin!" reklamo ko sa kaniya. May sasabihin pa sana ako kaso siya na mismo ang pumatay ng tawag.
Tumungo na ako kung saan naka-park ang sasakyan ko. Pagkarating ko ro'n ay naupo muna ako sa harapan ng kotse ko at sinubukan ko naman na tawagan ulit si Zayne pero katulad pa rin kanina ay hindi siya ma-contact.
Nanlumo agad ako dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman n'yang ginawa ang bagay na ito. Na kahit sa kaniya na mismo nanggaling na hindi na niya uulitin.
"It means nanliligaw pa lang siya, tapos ganito na agad ginawa niya? Tsk. Napaka-iresponsable naman ni kuya kung gano'n." Rumihistro sa isip ko ang sinabing 'to ni Brecken kagabi.
"Kung ako si kuya, hindi ko ito gagawin sa nililigawan ko. Lalo na kung hindi ganito ang deserve niya. Imagine, nanliligaw pa lang siya pero may pagkukulang na agad siya, nagawa ka na niyang paghintayin. 'di ko alam kung seryoso ba siya sa 'yo or . . ."
"Pampalipas oras ka lang." Nang muling manumbalik lahat ng sinabi ni Brecken sa akin ay parang tinusok no'n ang dibdib ko at parang isinampal sa akin kung ano ba talaga ako para kay Zayne. Siguro nga tama si Brecken, baka hindi talaga seryoso si Zayne sa akiin. Baka bukod sa pagiging sekretarya niya ay pampalipas oras niya lang talaga ako.
"Hindi ba ako gano'n kahalaga sa 'yo para balewalain mo 'ko?! Ganito ba ang laging aasahan ko mula sa 'yo?" wika ko sa kawalan, hindi ko na makimkim pa ang sakit na hatid nito sa akin.
"Bakit parang pilit mo akong pinapahabol sa 'yo?" kasabay no'n ang unti-unting pangingilid ng mga luha sa mata ko. "At ito naman ako na nagpapakatangang nagiging sunod-sunuran sa 'yo," hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng luha ko matapos 'yon. Hindi man lang ba pumasok sa isip niya na naghihintay ako? Hindi man lang ba pumasok sa isip niya na nagmumukha akong tanga? Hindi man lang ba pumasok sa isip niya na nahihirapan din ako? Hindi man lang ba naisip niya na nasasaktan ako? Nasasaktan ako sa tuwing pinapaasa niya ako, sa tuwing hindi niya susunod sa usapan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...