“Ow-fuck!” asik niya ng mapaso siya nang kape, bago pa naman iyon kaya malamang sobrang init no’n. Taranta akong kinuha ang tissue na nasa table organizer niya.“Sorry, Sir!” natatakot na paghingi ko ng tawad sa kaniya habang pinupunasan ko ang damit niya. “Mali ata ang timing ng pagtanong ko,” katwiran ko pa, ngumiwi naman s’yang inagaw sa akin ang tissue na hawak ko.
“Galit ba siya?” tanong ko sa sarili ko
“Malamang, ako ba naman matapunan ng kape, syempre magagalit din ako,” ako na lang din ang sumagot sa sarili kong tanong, buang lang.
“Samahan mo ‘ko!” ‘yon lang ang sinabi niya’t naglakad na palabas. Saan naman kaya? Sumunod na lang ako sa kaniya, ‘di na lang din ako nagreklamo dahil baka magalit pa talaga siya, kagagawan ko rin naman ‘to.
Pagkalabas namin sa kompanya ay diretso kami sa parking area, sumakay kami sa kotse niya na wala pa rin akong kaide-ideya kung saan kami pupunta.
“S-Saan tayo, Sir?” tanong ko sa kaniya pagkaraan ng ilang minuto habang nagmamaneho siya.
“Bahay,” tipid nitong sagot.
“H-Ha? Kailangan kasama ko?” ‘di ko na napigilan magreklamo, tumingin muna siya sa akin saglit bago muling ibinalik ang tingin sa harapan.
“H-Ha? Kailangan kasama ko?” panggagaya niya sa akin, medyo nagpambabae rin s’yang boses. “Of course, yes!” tapos bigla s’yang sumeryoso matapos sabihin ‘yon, bakit ba kasi kailangang kasama pa ako? Puwede naman s’yang mag-isa.
Hirap na hirap akong bumaba ng sasakyan dahil sa suot ko, napanganga ako ng bigla na lang siya pumunta sa side ko at iminuwestra niya ang kamay niya sa akin, pigil tuloy ako ng ngiti habang bumababa ako, para lang mas lalong ‘di mapansin ang pasimple kong pagngiti kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.
“Hindi sa ‘yo bagay!” reklamo ko sa kaniya ng tuluyan na akong makababa.
“Which? What do you mean?” inosente n’yang tanong.
“Iyong ano . . . pagiging gentleman,” pag-amin ko.
“Tss. Tinulungan lang kita ang bagal mo kasi, dapat pala hinayaan na lang kita,” sinarado niya ang pinto ng kotse sa shotgun at naglakad na siya matapos sabihin ‘yon. Abnoy ka talaga sungit! Akala ko pa naman okay na, mas lalo ka pa atang sumungit, buset ka!
Masama ko s’yang tinitignan habang naglalakad ako kasunod niya, dire-diretso lang s’yang pumasok sa loob, ‘di man lang talaga ako hinintay.
Pagkapasok ko ako na rin nagsarado ng pinto, pagkasarado ko’y tumalikod na ako at sakto namang pagharap ko sa likod ay ‘yon din ang pagharap ni si Zayne sa akin, dahil sa gulat ay napa-atras ako, sobrang lapit na kasi niya sa akin.Napalunok ako ng ‘di man lang nagbago ang reaksiyon niya’t napapansin ko na palapit nang palapit siya sa akin. Anong ginagawa nito?
Nang kaunti na lang ang pagitan namin, dahan-dahan pa rin na papalapit ang katawan niya sa akin maging ang mukha niya kaya naiilang kong sa kaliwang direksyon ko pinaling ang ulo ko, siguro’y isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin.
Napapikit na ako kasabay ang dalawang beses kong paglunok, dinadasal ko na sana hindi niya narinig ang bilis ng tibok nang puso ko. Ano ba kasi ‘tong ginagawa niya? Hahalikan niya ba ako? Waaaah! H’wag naman sana!
Napamulat ako ng may tumunog sa may gilid ng ulo ko. Nakahinga rin ako ng maluwag nang nakalayo na si Zayne sa harap ko. Binuksan niya lang pala ‘yong ang ilaw kung ano-ano kasi iniisip ko.
Hindi ko napansin na nakatayo lang pala ako sa may pinto, hindi pa rin nagbabago ang posisyon ko simula kanina. Dala ba ‘to ng walang tulog kaya lutang ako? Nakapalit na si Sir lahat-lahat ay nandito pa rin ako sa dating pwesto, napamaang naman siya ng makita ako. Kahit siguro siya’y nagtataka kung bakit ‘di pa ako naalis ng pwesto. Napakurap-kurap akong umayos ng tayo nang makita kong palapit na siya sa akin.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
General FictionR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...