“Good morning, baby!” napadilat ako ng malambing na boses ni Zayne ang gumising sa akin. Inaantok pa talaga ako pero dahil sa sinabi n’yang ‘yon na napaigtad pa ako dahil sa kiliti ng sa may tainga ko siya nagsalita at bunga ng paghinga niya ay nakikiliti ako.
“Good morning,” walang gana kong tugon sa kaniya.
“Do you want to have breakfast na?” malambing pa rin ang boses nitong tanong sa akin na pinulupot pa ang kamay niya sa bewang ko.
“Inaantok pa ako, Zayne,” mahinang sagot ko sa tanong niya, hinayaan ko lang ang kamay n’yang nakapulupot sa akin, tinatamad kasi akong alisin ‘yon, pumikit na lang ako para sana muling matulog. Pakiramdam ko kasi ang bigat-bigat ng mata ko na hirap akong idilat ito.
Saktong pagpikit ko ay bigla na lang akong hinalikan ni Zayne sa pisngi. ”Were you too tired last night?" tanong nito sa akin. Oo nga pala! Ngayon ko lang naalala ang nangyari sa amin kagabi pero do’n ‘yon sa sofa at ang natatandaan ko ro’n din ako nakatulog.
“Malamang, hindi mo naman sa akin sinabi na gano’n pala ang gagawin mo. Bakit kasi kailangan pang ipasok si pencil?!” reklamo kong napalingon sa kaniya.
“Nagustuhan mo naman ‘di ba? You even forced me to keep moving. Do you still remember?” nanunukso n’yang wika sa akin at muli na naman niya akong dinampian ng halik sa pisngi.
Nakaramdam naman tuloy ako ng hiya dahil ako naman talaga ang pumilit sa kan’yang gawin ‘yon. “Waaah! Kasalanan mo kasi ‘yon! Saka ano ba? Ba’t halik ka nang halik, Sir Zayne,” pangsisisi ko sa kaniya at pagreklamo sa ginagawa niya, napapansin ko na nakakarami na siya sa panghahalik.
“Huh?” usisa niya na kasunod ang pagkunot ng noo. “Who said that you should still call me sir?” dagdag nitong tanong na inalis pa niya ang kamay na nakapulupot sa akin.
“Waah! Sir naman talaga kita, ah?” ani ko naman, ano bang mali ro’n? Eh, sa totoo namang boss ko siya.
“It must be baby or babe! But if you’re not comfortable by that you can just call me Zayne,” hindi pa rin naaalis ang pagkakunot sa noo n'ya ng sabihin niya iyon, nakanguso rin siya na parang bata.
“Kailangan pa ba ‘yon?” pagtatanong ko.
“I asked you last night,” pag-amin nito.
“Ha? Ano namang itinanong mo?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“I asked you if I can court you, then you answered yes, you also nodded at me,” paliwanag niya.
“Waaah! Totoo? Wala akong matandaan,” pag-amin ko sa kaniya, hindi ko talaga naalala ang nangyari kagabi.
“Oh, huh?” tumango n’yang sagot sa akin. “You also responded after I said that I love you. Mahimbing ka na rin kasIng natutulog that’s why you really don’t remember anything after that,” patuloy pa rin siya sa pagpapaliwanag sa akin.
“P-Pumayag akong magpaligaw sa ’yo?” napalakas ang boses ko ng itanong ‘yon.
“Yeah. Ba’t parang ayaw mo?” nangunot muli ang noo niya ng sabihin ‘yon.
“Waah! Wala naman ako sinabing ayok—” hindi ko na tinapos ang sasabihin ko na masilayan ko ang pagngiti niya, ang ngiti n’yang ‘yon ay pang-aasar. “Nakakainis ka! Gustong-gusto mo rin talagang ‘di ako tumanggi!” asik ko sa kaniya.
“What? I didn’t say anything,” ngumuso naman siya matapos sabihin ‘yon. Muli s’yang lumapit para sana halikan ako ng iharang ko sa mukha niya ang kamay ko.
“Umaabuso ka na Zayne,” asik ko sa kaniya. “Maghihilamos na nga lang ako—Ahh!” pagkasabi ko no’n ay bumangon na ako, nang igagalaw ko pa lang sana ang paa kong isa para bumaba sa kama ng biglang rumihistro sa akin ang sakit.
BINABASA MO ANG
His Innocent Secretary (Completed)
Ficción GeneralR-18 | COMPLETED (Contains Book 1 and Sequel) Warning: Not suitable for young readers and sensitive minds. This novel may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity, intense violence and rape...