HIS: 03

97.3K 3.1K 679
                                    

“This time you need to process the bills and expenses. Did you get it?” iyon agad ang bungad sa akin ni Sir Zayne pagkarating ko, siya pa rin ang unang nakapasok kaysa sa akin.

Buti na lang ay maaga akong nakapasok, akala ko talaga ay ma-l-late naman ako. Buti na lang mas maaga akong ginising ni Kylie, siya naman kasi ang mag-a-apply ngayong araw.

“P’wede magtanong, Sir Zayne?” pagkakuwa’y wika ko sa kaniya habang nag-l-log ako ng mga bills.

“Nagtatanong ka na,” simple n’yang sagot na nakatutok sa laptop niya na ‘di man lang ako tinignan.

“Umuuwi ka pa ba Sir sa bahay niyo?” hinayaan ko na lang ang pagpipilosopo niya, nagtanong na lang ako.

“Ano pang purpose ng bahay kung hindi uuwian,” sagot n’yang muli na ‘di pa rin ako nililingon. Patuloy lang siya sa pag-scroll ng mouse na diretso ang tingin sa monitor ng laptop niya.

“P’wede ba akong pumunta sa bahay niyo?” request ko sa kaniya, this time tumingin na siya sa akin.

“W-What? Ano namang gagawin mo ro’n. I don’t bring ladies in my house.”

“Sus, eh bading nagdadala ka ‘no? Grabe ka sir, gano'n pala mga type mo,” hindi naniniwalang sagot ko.

“What kind of question is that? Of course, not.” kumunot naman ang noo niya.

“Or baka . . .” pag-iisip ko.

“What?” mabilis na tanong niya, masyado namang nagmamadali ‘di man lang makapaghintay.

“Mga lalaki dinadala mo sa bahay niyo!” sagot ko pa.

“Yeah!” tipid na sagot niya at muling binalik ang tingin sa monitor.

“Waaah! Sabi na nga ba! Tama ‘yong hinala ko. Bading ka, Sir! Umamin ka na, Sir. Promise hindi ko ipagkakalat maliban lang pag may nagtanong. Sir pa ba itatawag ko sa ’yo? Mas maganda ata kung madam,” napapalakpak pa ako habang sinasabi ‘yon.

“Stupid!” hasik niya.

“We? I’m not stupid kaya, iniiba mo lang ang usapan, eh. Bading ka talaga, Sir! Sigurado ako! Ikaw na mismo na nagsabing lalaki dinadala mo sa bahay niyo, ah!” siguro ang mga dinadala niya ay mga model na magaganda ang katawan, may mga abs, o kaya naman ‘yong mga bad boy ang itsura at ‘yong banat sa gym ang katawan.

“Yes. I bring boys,” sagot niya pa, Aamin na ‘to panigurado. Huli ka ngayon. “Because they are my friends,” dagdag pa niya.

“We? Talaga ba?” pamimilit ko sa kaniya.

“If you won’t stop asking questions like that. I’ll make sure you will not gonna have menstruation for nine months,” pagbabanta niya sa akin.

“Eh?” tipid na sagot ko. Anong ibig n’yang sabihin sa hindi ako dadatnan ng siyam na buwan. Isa lang naman ang alam kong gano’n, eh.

“Ibig sabihin ba no’n Sir, eh mabubuntis ako kaya ‘di ako dadatnan ng siyam na buwan?” tanong ko sa kaniya, medyo na-curious ako, eh.

“That’s the point, Ms. Belarde!” sagot naman niya.

“P’wede pala ‘yon? Kapag nagtanong ako ng mga gano’n ay puwede na akong mabuntis?”

“What? Stupid mo ‘no?” nabigla naman siya sa sinabi ko kaya napasigaw siya.

“Waahhh! Grabe ka Sir, nagtatanong lang, eh. Gusto ko na kasing magka-baby,” pagpapaliwanag ko.

“Really? Sigurado ka ba r’yan sa pinagsasabi mo?” kapag hindi ni Sir natapos ang ginagawa nuya ay ako ang masisisi nito. ‘Di niya kasi malaman kung saan titingin, sa akin ba o sa laptop niya. Sorry Sir, curious lang.

His Innocent Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon